TLYM 19

279 6 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat na nagmumula sa bukas na bintana. Hindi naman ako pinagbawalan ni Trey na hindi iyon pwedeng buksan kaya binuksan ko na. Gusto kong makalanghap ng kahit konting hngin man lang dahil nasasakal ako sa katahimikan ng paligid ng bahay.

Bored na bored na ako at hanggang ngayon ay wala pa din si Trey. Iniwan nya ako kanina na tanging note lang ang iniwan saying, "Cook your own breakfast. I'll be back after lunch" pero ngayong pasado alas dos na ng tanghali, wala pa ding Trey na dumadating.

Bumuntong hininga ako. Nakakahilong magpabalik balik sa malaking sala ng resthouse. Gustuhin ko mang lumabas ng bahay para tingnan ang paligid ay hindi ko magawa. Tama ang sinabi ni Trey na automatic lahat dahil isang bintana lang ang nakaya kong buksan. Iyon lang yata ang walang kontrol mula sa remote na palagi nyang hawak at dala kapag umaalis sya and I wonder why only that wondow.

Umakyat ako sa itaas para maglibot. Nakakain na ako ng tanghalian. Hindi ko na hinintay si Trey dahil hindi ko kayang tiisin ang gutom na nararamdaman ko kanina. Mabuti na lang at puno ang ref nya at marunong akong magluto kaya naman may nakain ako.

May pitong kwarto ang resthouse. Masyadong madami lalo pa at parang si Trey lang ang nakakaalam na nag eexist ito sa lugar na ito. Wala kasing mga katulong kaya sobrang tahimik ngayong ako lang ang andito. Bakit kaya walang katulong na kinuha si Trey? May sarili na naman syang pera dahil mukhang nakapaggala na sya sa iba't-ibang bansa sa loob ng ilang taon na hindi namin pagkikita.

Iba't-iba ang disenyo ng bawat kwarto. Bubuksan ko na sana ang pangatlong pinto ng bigla akong may narinig na pumaradang sasakyan sa labas. Napatuwid ako ng tayo. Sigurado akong si Trey 'yon base na din sa pagkabog ng dibdib ko.

I didn't know why I am having a fast heart beat everytime he's near. I felt it before... Yung time na ayos pa kaming dalawa.. Napapaisip tuloy ako. Hindi ko nga ba alam kung bakit lumalakas ang sasal ng tibok ng puso ko kapag nasa malapit sya o natatakot lang akong pangalanan ang nararamdaman kong ito?

Bumaba ako sa hagdan. Nakatitig ako sa front door at napansin ang dahan-dahang pagbukas niyon at niluwa ang lalaking kanina ko pang hinihintay.

"Trey..."

Tumingala sya sa akin. "How are you?"

Medyo nagulat ako sa tanong nya. Iyong nangyari ba nung nakaraan ang tinatanong nya? Pero wala naman syang magiging rason para itanong iyon hindi ba? "I'm fine..." sagot ko na lang at tipid na ngumiti sa kanya.

Tuluyan na akong nakababa at ngayon ay nakatayo sa harapan ni Trey. Hinubad nya ang coat nya na ngayon ko lang napansin. Masyadong pormal ang suot nya. "Saan ka nanggaling?"

Hindi nya ako sinagot. Nagdiretso lang sya sa couch para alisin ang kanyang sapatos.

"Naglunch ka na ba?. Ahmm.. Nagtira ako ng kanin at saka nagluto na din ako ng pang-ulam para may makain ka---."

"Nakakain na ako sa labas. You're being nosy and I hate it." Putol nya sa sasabihin ko. Sinamaan nya pa ako ng tingin bago nagpuntang kusina.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang sinusundan sya ng tingin. Akala ko pa naman he cares for me dahil sa pagtatanong nya kanina. Mukhang nagkamali ako. Ang hirap i-assume ng mga bagay lalo pa kung wala talagang kasiguraduhan.

Gusto kong pukpukin ang ulo ko sa katangahan ko. Bakit ko ba nakalimutan na kinulong nya ako dito? Na galit sya sa akin magpasa-hanggang ngayon?

I pouted my lips at naupo sa couch. Kinuha ko ang remote at agad na binuksan ang tv.

Napasinghap ako ng biglang mamatay ang tv. Napatingala ako at nakitang may ang chandelier sa taas. Kailan ko pa ito binuksan? At kung wala mang kuryente, bakit may ilaw ang chandelier? At sigurado akong may generator dito!

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon