By the way, guys. PM me first kapag ini-add nyo ko sa facebook so I can unfriend some people na hindi ko kilala and ma-add kayo okay? :)
FB: Mitchiko Skyeisha MontefaLco / Mitchiko MontefaLco. Yes. I am inlove with Knoxx MontefaLco. Hahaha. :)
-
"Ms. Maggy?"
Agad akong tumunghay at nakita ang nakangiting mukha ni Belle, ang aking sekretarya. Bahagyang nakasilip ang ulo nya habang nakangiting nakatingin sa akin. Agad kong iminuwestra ang kamay ko na pumasok sya na agad nya namang ginawa.
"Yes, Belle?" Nakangiting tanong ko sa kanya pagkaupo nya sa upuan na nasa harapan ng mesa ko.
Tinitigan nya lang ako at mayamaya pa ay napangisi. "Mam Maggy, bakit ang blooming nyo yata ngayon?"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Ngayon lang?"
"Hmm.. ngayon ko lang po talaga nakita na ganyan kapula ang mukha nyo at nakangiti kayo ng malaki. Ano pong meron?" Nagtataka at nangingiting tanong nya.
Natawa ako ng mahina. Inilagay ko muna ang dokumentong binabasa ko sa tabi ng mesa at humalumbaba. Hindi ko akalain na mapapansin iyon ni Belle. Ganoon din kasi ang napansin ko sa sarili ko nang tumingin ako sa salamin kanina bago pumasok ng trabaho.
Agad kong naalala ang dahilan ng pagkablooming ko kuno, ayon kay Belle. Hindi pa din mawala sa isipan ko ang sinabi ni Trey nang nakaraang gabi.
I feel loved and honestly, I am contented and happy. Pakiramdam ko ay isa akong high school student na nalaman na crush din ako ng crush ko sa kilig na naramdaman ko nang gabing iyon at aaminin kong mag pahanggang ngayon.
Napapitlag ako ng may kumurot sa braso ko. Nagtatakang napatingin ako kay Belle na nakataas ang kilay sa akin.
"Ms. Maggy, nag daday-dream ka ba?" natatawang tanong nya sa akin.
I felt my cheeks turned into crimson red. "Hindi ah!" tanggi ko kaagad para mapagtakpan ang kahihiyan ko. Damn! Bakit ba nakalimutan kong nasa harapan ko si Belle?!
Natawa sya ng malakas at napailing iling. "Ms. Maggy ha? ang defensive mo masyado. Hindi mo ba ikukuwento sa akin yan?" Nang aarok na pakli nya.
Gusto kong mapaikot ang aking mata. Ang tsismosa talaga ng babae na ito pero kahit ganoon ay wala namang kaso iyon sa akin dahil matagal ko na din syang nakapalagayan ng loob simula ng tumuntong ako sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko.
Hindi lang si Belle ang masasabi kong napalagayan ko ng loob dahil masasabi kong karamihan sa mga empleyado namin ay kaclose ko. Magaan ang loob ko sa kanilang lahat at itinuturing ko na din silang mga kaibigan.
"You know what, Ms. Maggy? Ngayon ko lang talaga nakita na ganyan ka kasaya. Dahil ba ni Sir Frank?"
Nawala ang ngiti na nasa labi ko sa pangalang binanggit nya. Napalunok ako ng mariin.
"Ang swerte mo Ms. Maggy dahil napangasawa mo si Sir." Dagdag pa ni Belle na hindi ata napansin ang pananahimik ko.
Nawaglit na sa isip ko ang tungkol kay Frank. Aaminin kong kinakabahan ako kapag sumasagi sa isipan ko na baka malaman ni Frank ang tungkol sa aming dalawa ni Trey.
Tinitigan ko si Belle na nakanguso sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. I heaved a long sigh. "Belle?"
Tumingin sya sa akin na nagtatanong ang mga mata. "If I say I am not happy with Frank, would you believe me?"
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...
