Give me two days before I go.
What?! You told me you'll be here as soon as possible!
Come on, Frank. Just two days!
Fine! You're unbelivable, Carlos!
Tinitigan ko ang monitor ng laptop at sumandal sa aking swivel chair. Kasalukuyan kong ka-chat si Frank at sinabi sa kanyang bigyan nya ako ng dalawang araw muna bago sumunod sa kanila.
Nag offline na din sya kaya naman hindi na ako sumagot. He's pissed but he's really getting into my nerves!
Kumikirot ang ulo ko. Gabi na kami nakauwi lahat pero nagawa ko pa ding pumasok ng maaga sa trabaho kahit ganito ang nararamdaman ko.
Pinag-check in ni Trey ang mga trabahador at sina Mang Isko sa hotel na pagmamay-ari nila. According to him, they'll be here for one week para makapag relax na din bago ulit ang mga ito sumabak sa trabaho.
Yesterday was a blast! Pinawi ang lungkot at kirot na nararamdaman ko at pinakita sa kanilang masaya ako kahit may kaunti akong pag-aalala lalo pa at naaalala ko si Neo. Nakihalubilo ako sa kanilang lahat para walang makapansin sa bumabagabag sa isipan ko.
Yassi cried so much yesterday. She's very thankful for the party we gave her. Pinugpog nya pa ako ng halik sa buong mukha ko bago ako pakawalan. Nakakagigil talaga sya sa sobrang ka-sweetan.
Magdamag kaming nagkasiyahan. May mga pakulo din palang inihanda ang ilan kaya mas lalong sumaya. Ramdam ko ang sayang naibibigay ng isang pamilya. Though we're not really connected by blood, we're connected with our hearts.
"Mam?"
Sinulyapan ko si Belle at umayos ng upo. "What is it?"
Kumagat sya sa kanyang labi at mukhang hindi alam ang sasabihin. "Your parents were here po."
Napatayo ako sa gulat at kasabay niyon ay ang pagpasok ng aking ina na nakataas ang kilay at pulang pula ang mga labi kasunod ang aking ama.
Anong ginagawa nila dito?
Sa abroad na sila namamalagi dahil sa itinayo nilang business doon. Hindi ko alam kung kailan pa sila nakabalik at umusbong ang panibagong kaba sa dibdib ko hatid ng presensya nilang dalawa.
Tinanguan ko na si Belle at agad nyang isinara ang pinto.
Nagsalubong ang paningin namin ng aking ina at malamig ang mukha ko syang tinanong.
"What brought you here? Kailan kayo dumating?"
Tinaasan nya ako ng kilay. "What a nice way to greet the woman who made you alive in this world."
Sinulyapan ko si Daddy at hindi nakaligtas sa akin ang pag igting ng kanyang mga panga. Nakatayo pa din kaming tatlo at ramdam ko ang pagsikip bigla ng aking opisina.
I can't stand the sight of them. All I can remember ay ang ginawa nilang pagmamanipula sa buhay ko na naging daan para kamuhian ko sila ng lubos.
"You think hindi makakarating sa amin ang problemang kinahaharap ng kompanya?" Tanong sa akin ni Daddy. He stepped forward. "You can't keep a secret from us, Marrgaret!"
Too bad. I already did, Dad.
"How did you know?" Maang na tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...
