TLYM 56

232 9 20
                                        

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat at tinuloy ang pagpasok sa loob nang mall dito sa New Zealand.

Tahimik ang bahay at wala akong makausap kaya naman napagpasyahan kong lumabas na lang para maiwasan ang pagmumukmok.

Ilang linggo na ba akong hindi lumalabas ng bahay? Nang maalala ko na may buhay nga pala sa sinapupunan ko ay parang gusto kong batukan ang aking sarili dahil sa pinaggagagawa ko.

This isn't about me anymore. Dalawa na kami nang bata na nasa sinapupunan ko. Dapat kong ingatan ang sarili ko at huwag hayaang lamunin ng lungkot at iba't-ibang emosyon ang aking sistema.

Nagpatingin ako sa OB kanina bago ako magdiretso dito sa mall. Maayos naman daw ang baby ko pero huwag kong hayaan na may makasama sa akin dahil kahit gaano kalakas ang kapit ng bata maaaring may mangyari kapag nagpabaya ang nagdadala dito. And I would not risk that. Ang batang ito ang magsisilbing lakas ko para pasanin ang lahat nang nangyayari sa akin at sa buhay ko ngayon lalo pa at mag-isa na lang ako.

Tiningnan ko isa-isa ang mga damit na napapasadahan ng mata ko. May nagustuhan akong isa at pasimple kong hinawakan ang aking wallet at sumulyap sa loob.

I closed my eyes when I realized I don't have enough money. Kokonti na ang perang nasa wallet ko at hindi ko alam kung makaka-survived pa ako sa pagkain sa susunod na mga araw.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. Dinahan dahan ko ang paglalakad sa suot kong boots na mababa ang takong habang nakatingin sa mga nakahilerang damit at sapatos.

Hinigpitan ko ang pagkakatali ng suot kong coat dahil masyadong malamig. Gustuhin ko mang tumigil sa isang boutique kung saan magaganda ang mga nakahilerang damit ay hindi ko magawa. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko.

Malaki naman ang naiwang pera nina mommy pero halos lahat ng iyon ay naubos na nang wala pang isang araw dahil sa bill ng ospital. Matagal silang nanatili doon kaya hindi na ako nagtaka nang halos walang matira sa akin pagkatapos ko iyong bayaran.

Hindi ko magawang magpunta sa ospital kung saan naroroon si Frank para bisitahin. Ayokong maalala ang lahat kapag nakita ko sya kahit sya pa ang tanging taong naroroon nang halos gustuhin ko nang sumama sa mga magulang ko.

Sumipsip ako sa hawak kong juice na nabili ko din dito sa loob ng mall. Iinumin ko na lang muna ito kahit nagugutom na naman ako. Humawak ako sa tiyan ko at napangiti kahit konti dahil alam kong ito ang dahilan ku g bakit ako parati akong gutom.

Tatayo na sana ako nang biglang may bumangga sa akin na muntik ko nang ikabuwal. Nanlaki bigla ang mga mata ko sa nerbyos.

Humawak ako sa tiyan ko sa takot na baka may masamang mangyari sa baby ko.

"Maggy?" tawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses.

Tumunghay ako at si Tyron ang nabungaran ng mga mata ko. Nakakunot ang kanyang noo at nakahawak sa magkabila kong balikat kaya siguro hindi ako tuluyang nabuwal kanina nang mabangga nya ako.

I smiled at him. "Hi." Bati ko sa kanya at umayos ng tayo. Una at huli kong kita sa kanya ay noong ikinasal si Myeisha.

He smiled too. Bahagya nyang ginulo ang kanyang buhok at tumitig sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Are you with my cousin?"

My smile vanished. Pinsan nya nga pala si Trey.

Umiling ako sa kanya. Kumunot ang kanyang noo.

"Then.. ikaw lang mag-isa?"

Tumango ako at napakagat sa labi.

Nagulat ako ng hawakan nya ang siko ko at hinila kung saan.

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon