TLYM 48

233 6 0
                                    

Pagod kong isinandal ang katawan sa sofa at inihagis na lang ang bag na dala. Nakakapagod ngayong araw. Madami akong eksperto na kinausap at isa na doon ay ang asawa ni Queenie para pag-usapan ang tungkol sa kinahaharap na problema ng kompanya.

Inalis ko ang sapatos na suot ko at hinilot ito. Napansin ko ang katulong na dadaan kaya naman tinawag ko muna at pinalapit.

"How's Neo?"

"Okay lang po sya Mam. Maghapon pong nandito si Mam Queenie. Sya po ang palaging kasama at kausap ni Neo kanina.."

I dismissed her upon hearing what she said. Mabuti na lamang at hindi pa umuuwi sa Pilipinas ang mag-asawang Tan kaya naman may nagtingin kay Neo kanina kahit may kinuha na si Frank na personal nurse para kay Neo to monitor him. 

Humikab ako at ramdam na ramdam ko na talaga ang pagod ng katawan. Sa iba't-ibang lugar ako napadpad kanina dahil hindi magtugma tugma ang oras na bakante ang mga kinausap ko kaya pakiramdam ko ay nalibot ko na ang buong Switzerland ngayong araw.

Kinuha ko ang bag ko ay umakyat na sa kwarto kung saan alam kong mahimbing ng natutulog si Neo. I opened the door and gasped when I entered his room.

The room looks like a fucking toy room!

Napakalaki ng kwarto at ibig kong mapaisip kung kwarto ba talaga ito ni Neo o master's bedroom. Pero naalala ko ang mga laruan na nasa may paanan ng kama na may kanya-kanyang estante na pinaglalagyan.

Lumapit ako doon at tiningnan ang mga laruan at tama nga ako, iba't-ibang brand at size ang mga iyon. The toys look expensive dahil sa isang mall pa lamang sa Pilipinas ko nakita ang mga ganoong brand.

Light blue ang interior na may kasamang kulay krema na mas nakapagpaliwanag sa pakiramdam ng bawat papasok. I sat at the edge of the bed na animo ay sasakyan dahil sa style nito.

Hindi pa din ako makapaniwala na ganito ang silid na inookupa ni Neo. Pinagkagastusan pa ba ito ni Frank?

Wala akong naging oras para malibot ang loob at labas ng bahay dahil palagi akong nasa ospital para magbantay simula nung dumating ako. The past few days didn't give justice either because I am always out talking to some people regarding business matter.

Inalis ko ang mga laruan na nasa tabi ni Neo. Siguro ay nakatulugan na din nya ang paglalaro.

Umalis din ako pagkatapos syang mai-check. Nagpunta ako sa kwarto na nakalaan sa akin at kung malaki ang kwarto ni Neo dito, mas doble ang laki ng inookupa ko.

I glanced at the clock at malapit ng maghating gabi. Sumilip ako sa veranda para magpahangin.

We didn't see each other today. Hinayaan kong mamasyal si Trey sa buong Switzerland pero naka-disguise. I told him na huwag na lamang syang lumabas kung magdidisguise sya dahil mahirap iyong gawin pero ayoko namang ikulong sya sa suite nya sa hotel.

Never on my entire life that I would experience different emotions.

Napasulyap ako sa baba at napansin na wala ang sasakyan na madalas gamitin ni Frank kapag wala syang driver. I arched a brow. Wala pa sya hanggang ngayon?

Neo told me that Frank takes care of him the whole time. Palagi daw silang naglalaro at namamasyal kung saan-saan. Frank is also the one waking him up and preparing his breakfast instead of some maid.

Narinig ko din sa mga katulong nung nakaraang araw na ngayon lamang nila nakita na mag-alaga si Frank. I want to see what they said with my own eyes. Pero paano ko makikita ang mga ginagawa ni Frank kung maghahating gabi na ay wala pa sya? Katulad na lamang ngayon?

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon