TLYM 20

312 7 0
                                        

"I want that!"

I pouted my lips to make it more seductive. Trey glared on it and bit his lower lip bago nag iwas ng tingin sa akin. Gusto kong matawa sa itsura nya. He's blushing.

Naglakad kami papunta sa bilihan ng street foods. God! How I missed those foods! Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong kain ng mga iyon and I am really really craving for those.
Hinahangin ng buhok ko and I like that. Hindi pa din ako makapaniwala na nandito kami sa labas...na niyaya nya akong lumabas. Hindi ko alam kung anong nakapagpabago sa isip nya. Kanina lang ang sama ng tingin nya sa akin pero ngayon? He's very attentive. Palagi nya ding hawak ang kamay ko.

Nang lumabas kami kanina ay hindi na ako masyadong nagulat sa nabungaran ko. Nag iisa ngang nakatayo sa gitna ng mga nagtataasang puno ng niyog ang resthouse na pinagdalhan nya sa akin. Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa pinagparadahan nya ng sasakyan at bumyahe para makarating dito.

Nilibot ko ang aking tingin habang nagtutusok si Trey ng street foods. Tahimik lang sya at hindi ko alam kung anong iniisip nya.

Nandito kami sa isang palengke. Magulo at madaming tao pero nakakahinga pa naman ako. Napapangiti ako kapag may nakikita akong mga tindera na ngumingiti pa din kahit nakakairita na ang mga bumibili.

Nagkalat ang mga basura sa paligid but what do I expect? This is a public market. Sa lugar lang naman na ito madumi at sa ibang lugar ay hindi na. The place was really different compared to the city. Sa city kasi nalalanghap na ang mga usok, palagi ka pang pawisan sa sobrang init kahit hindi naman siksikan. While here? Masarap ang simoy ng hangin, wala mang nagtataasang building sa paligid at malayo sa kabihasnan but you'll feel great. I guess this is what the advantage of living on the province. Hindi kasinggulo kumpara sa city.

"What are you thinking?"

Nilingon ko si Trey na may hawak na dalawang plastic na baso sa magkabilang kamay. Kinuha ko kaagad ang isa at agad kong nilantakan.

"Nothing.. I just got contented watching these kinds of people." Sagot ko sabay kagat sa kikiam. Napapikit pa ako habang nilalasap ang tamis na may kasamang anghang sa sauce nito.

"What can you say about this place?" tanong nya ulit. I smiled a bit. Tgis is a good sign.

Nilunok ko muna ang kinakain ko. "Magulo.."

Napatingin sya sa akin bigla. Natawa naman ako dahil sumimangot sya.

"I am stating the fact. Magulo dito pero ano bang ineexpect ko? This is a public market. Lahat ng nandito, public people.. Lahat ng mayroon dito, lahat ng nagkalat sa paligid, public garbage..  But compared to the city? I would love to live here.."

Ngumiti sya at kinain ang kanyang hawak. "Why would you love to live here?"

"It gave me a peaceful feeling.." Mahinang sagot ko. Nilibot ko ulit ang paligid. Am I feeling it right? I am really contented with this place. Ito yung lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. Hindi ako ang Marrgaret Villegas kung ituturing dito. Hindi ako anak ng nagmamay-ari ng isa sa pinakamalaking hotel sa bansa. I am not married here and it really gave me an unexplained feeling.

Tinitigan nya ako. "You don't feel the same when you're in Manila?"

Umiling ako sa kanya at nag-iwas ng tingin. Nginuya ko ng dahan-dahan ang kikiam na nasa bibig ko.

Umayos naman ng tayo si Trey sa gilid ko. Nakatayo kami sa gitna ng maraming tao. Napapalibutan ng ilang tao at hindi maiiwasang hindi mapatingin sa amin ang ilan dahil masyadong galenteng tingnan ang suot naming dalawa kumpara sa kanila.

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon