Mga kalabog at sigawan ang naging dahilan sa pagmulat ko ng mga mata. I absently got up from bed and opened the door para lamang mapadla sa nabungaran ko.
"Trey!"
I run into him and can't help but to cry. Halos hindi na nya maimulat ang kanyang mga mata sa dami ng sugat na natamo nya.
Nag-angat ako ng tingin ng makarinig na naman ng kalabog at ng mga sigawan.
Frank threw all the vase on the floor!
Nakaramdam ako ng takot sa kanya at napahigpit ang hawak ko kay Trey na nanghihina pa din. Frank did this to Trey! Damn him!
"Damn you, Maggy!" Frank hissed and threw another thing. This time, iyong malaki namang buddha na nasa isang tabi ang kanyang binasag.
Napasigok ako at lalong napaiyak. Pinagpipyestahan na kami ng mga katulong dahil nasa isang sulok lamang sila at nakatingin sa nangyayari. Halata din ang takot sa kanilang mukha.
"Maggy.."
I glanced at Trey. I didn't know what exactly happened but one thi g is for sure...
Nahuli kami ni Frank.
"Damn you both! Ang kakapal ng mga mukha nyo!" Dinuro ako ni Frank at nagtatagis ang kanyang mga bagang. Iyon pa ding suot nya kagabi nang sunduin ko sya sa bar na lasing na lasing ang damit nya.
Inalalayan kong tumayo si Trey. Hindi ako makaimik at patuloy lamang akong lumuluha. Hindi ko kayang makita na ganito kamiserable ang itsura nya. Talagang binugbog sya ni Frank!
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kumot na tumatabing sa hubad kong katawan. Trey didn't bother to go home after we made love. Magkatabi kaming natulog at ang inaakala kong matiwasay at tahimik na kinaumagahan ay hindi nangyari.
"She's mine.."
Kamao ulit ni Frank ang dumapo sa mukha ni Trey dahil sa sinabi nya. Napatili ako ng malakas at lalapitan sana sya ulit ng matumba sya pero bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ng mga nagsidatingan na mga tauhan ni Frank.
"Let me go! Fuck! Let me go!" Patuloy na pagpupumiglas ko sa kanila pero mas lalo atang nagiging bakal ang kanilang mga kamay na nakahawak sa akin!
Nagpupumiglas ako habang nakatingin sa susunod na gagawin ni Frank. Nanlaki ang mga mata ko ng kubabawan nya si Trey at pinagsusuntok sa lahat ng parte ng katawan!
I gasped in horror! Bakit ba ayaw nilang awatin si Frank?!
Daing ni Trey sa sakit ng bawat pagtama ng suntok ni Frank sa kanya ang nagpadurog lalo sa puso ko. Frank kept on cursing as he continues to punch Trey.
Hindi ako tumigil sa pagwawala hanggang sa makalag ko ang mga brasong nakahawak sa akin. Hindi ko ininda ang sakit ng mga braso ko at tumakbo kaagad sa kinaroroonan ng dalawa at itinulak si Frank palayo kay Trey.
"Tama na!" Umiiyak na pagsusumamo ko at iniharang ang katawan ko sa sugatan at duguan na si Trey na nakahiga sa sahig at pikit na ang mga mata.
"Fuck you Maggy! How can you do this?! Sa mismong pamamahay ko pa talaga?!"
Pilit akong iniaalis ni Frank kay Trey pero nagmatigas ako. Hindi na ako makahinga ng ayos dahil sa magkakahalong nararamdaman ko pero nilabanan ko.
Ipiniksi ko ang mga kamay na nagtulong tukong upang ilayo ako kay Trey. Patuloy kong tinatapik ang kanyang pisngi at gusto kong magpasalamat sa tuwa ng magmulat sya bahagya ng mga mata.
He gave me a faint smile. Mas lalo akong napaiyak!
Paano nya pa nagagawang ngumiti sa kabila ng nangyari sa kanya? Paano nya pa nagagawang isipin kong ayos lamang sya kahit kitang kita ko ang ebidensya na hindi naman? How could this guy be so real?
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...
