TLYM 60

312 12 26
                                    

Kapag naiisip kong may naghihintay ng update, ako ang nahihiya! Inaantok na ako. Jusko! Para maging masaya lang kayo kahit single ang ibang nagbabasa dahil sa update! Hahaha. Charot!

Mahaba po 'to. Halos 2.3k words inabot. I'll reply to your comments on this chapter tomorrow morning!

FB: Mitchiko Clarete / Mitchiko Skyeisha Clarete

Happy Reading and Goodnight! :)

-

"Mabuti na lang at ayos na ang lagay nya dahil hinding hindi kita mapapatawad kung may nangyaring masama sa kanya.."

Nagkunwari akong natutulog pa sa narinig kong sinabi ni Myeisha. May humawak sa kamay ko at hindi ko na napigilan ang pagmulat ng mga mata para matingnan kung sino 'yon.

Kusang pumatak ang luha ko nang mabungaran ang namumugtong mga mata ni Trey.

I reached for his face and he held my hand. Paulit ulit nya itong pinaghahalikan pagkatapos ay yumuko habang mahigpit pa din ang hawak sa kamay ko.

"I'm sorry.." Sising sisi na pakli nya.

Natahimik ang mga kaibigan kong nasa loob din ng kwarto. Nakatingin sila sa aming dalawa. I gave them a faint smile. Napansin kong pinunasan ni Raven ang mga mata ni Myeisha dahil sa walang ampat na pagtigil ng kanyang luha.

"She's pregnant.." Raven said.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Naalala ko ang nangyari at humawak ako aa tyan ko.

"How's my b-baby?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa baby ko.

Niyakap ako kaagad ni Trey na hindi ko napansin na tumayo na pala mula sa pagkakayukyok.

"Our baby is fine.. Stop crying.." Alo nya sa akin.

Sa sinabi nya ay nakahinga ako ng maluwag. Kumalas ako sa kanyang yakap nang maalala ang mga sinabi nya.

"Hindi ka na dapat narito.. Pinaglaruan mo lang ako ulit hindi ba?"

Napasinghap si Marie sa sinabi ko. Natutop naman ni Myeisha ang kanyang bibig.

Nilingon sila ni Trey at niyaya munang umalis ni Raven ang mga kaibigan namin para siguro mapag-isa kaming dalawa pero ayoko.

"Don't." Pigil ko nang tangkain na nilang humakbang paalis.

Naglipat lipat ang tingin nila sa amin ni Trey at hindi malaman ang gagawin.

"Maggy.. I didn't mean that.." Halata sa boses ni Trey ang pagsisisi nya sa nangyari kanina.

"Then why? Bakit mo sinabi 'yon? Bakit ganoon ang nakita ko? Hindi pa ba sapat na itinaboy mo ako para saktan ng ganito?! Bumalik pa din ako sa pag-asang bibigyan mo ako ng paliwanag pagkatapos mong umalis ng walang paalam! Sinundan mo ako at naglaho kang parang bula! Ganoon na lang ba kadali para sayo ang lahat?! Susundan mo ako para iwan ulit?! Itataboy mo ako nang hindi man lang nagpapaliwanag?"

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon