"Anong napag-usapan nyo ni Trey? Bakit gano'n na lang sya makapagreact? Nagaway ba kayong dalawa kaya lumakas ang boses nya? He looked like he will wring your beautiful neck that time! But damn! He looked so hot pala kapag nagagalit sya!"
I rolled my eyes upo hearing Brittany's words. Natatawa ako sa itsura nya habang nakatingala at parang nangangarap.
Isinubo ko ang sweetbeans na nabili ko sa naglalako sa labas ng bahay nina Brittany. Nandito ako sa bahay nila ngayon para may kausap man lamang ako.
"Huy!"
I glared at her habang todo nguya pa din. Sinamaan nya ako ng tingin. Mukhang naramdaman na nyang wala syang makukuhang sagot sa akin dahil busy ako sa pagnguya.
Masyadong kinukuha ng pagnguya ang oras ko!
Napangisi ako sa naisip.
"Wala namang nakakatawa sa sinabi ko di ba?" Nakabusangot na tanong nya. She crossed her arms over her chest.
"Wala nga." sagot ko naman.
"Then explain! Kanina pa akong dumadaldal dito. Kanina pa din kitang tinatanong pero yang pagtunog lang ng pagnguya mo ang napapala kong sagot."
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng halakhak. Her face was priceless! Para syang naagawan ng laruan kung makabusangot.
"Huwag ka ngang bumusangot! Baka mamana yan ng magiging inaanak ko." Pangaral ko sa kanya.
She rolled her eyes this time. "Eh di ikwento mo na sa akin ang napag-usapan nyo ni Trey!"
Tiningnan ko sya ng seryoso. Honestly..hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi din ako sure kung gagabutan ba nya ako o sasakalin kapag nalaman nya ang tungkol sa deal naming dalawa ni Trey.
Wala namang isi-net si Trey na rules na hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino ang tungkol doon but still.. reputasyon at imahe ko ang nakasalalay dito. Kung nakasalalay pa nga ba sa pagkakataong ito. Nung tinanggap ko kasi ang offer ni Trey, hindi ko na naisip ang sarili ko.
Though I don't want anyone to know about the deal, mukhang hindi naman ako patatahimikin ng bunganga ni Brittany. Mukhang wala talaga akong kawala sa kanya. Lahat ng bagay, gusto nyang malaman.
"I accepted his offer.." panimula ko at nag-iwas ng tingin. Ayokong makita ang pagkunot ng noo nya ngayon dahil sa pagbitin ko sa pagsasalita.
"Deal? What deal? C'mon! Diretsuhin mo na ako dahil alam mo namang hindi kita titigilan di ba?"
Of course I know. Brittany is a nagger.
I wiggled my brows. I can't decide where to start. I can't explain the feeling. Hindi ko alam kung anong gagawin nya kapag sinabi ko kahit sinasabi ng instinct ko na magwawala sya. She don't want me to be a toy.. again.. Sobrang galit ang pinakita ni Brittany kay Trey noon dahil sa panloloko sa akin. At ngayon naman, mukhang ganoon ulit ang mangyayari. Ang kaibahan nga lang ay aware ako na paglalaruan ako ng tao pero anong magagawa ko? Mahal ko si Trey at sinabi ko sa sarili ko na kung may pagkakataon man para makabawi ako sa pagkakamaling nagawa ko noon sa kanya, susunggaban ko.
It's just too bad na sa ganitong paraan ang tanging daan.
"He wants me..on his bed.." Final na sagot ko at yumuko.
"What?!" Sigaw nya at kasabay niyon ay ang pagtayo nya mula sa pagkakaupo. Natabig pa nya ang plastik ng sweetbeans na hawak ko.
Kitang kita ko ang panginginig ng mga kamay nya na nasulyapan ko kahit nakayuko dahil sa sinabi ko. Nanatili akong nakayuko at ipinipikit ang mata kasabay ng pagkagat sa aking ibabang labi.
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...
