TLYM 23

312 11 0
                                        

S/N: Hindi ko talaga mapigilan. Hahaha. Last na 'to talaga. Mag-aaral na ako. Nakakatamad mag-aral ng Konstitusyon ng Pilipinas. Section 1-28. Geez. Daig pa nagbigti. Hihi. Charot lang!

Happy Reading! :')

-

"Are you alright?"

Trey asked me again. Kanina nya pa akong tinatanong kung okay lang ako to the point that I lost count. Tango lang ako ng tango sa kanya. Tinititigan nya naman ako na para bang hindi sya kumbinsido.

Nandito kami ngayon sa may kalakihang bahay nina Mang Isko. Kung ako ang tatanungin.. parang hindi bahay ng isang magsasaka ang nagmamay-ari ng may kalakihang bahay na ito. May kalapitan din ito sa farm na pinagkakabuhayan ng matanda.

"Senyorito.."

Napatingin ako sa batang si Yassi na nasa kandungan ni Trey. Dito din pala nakatira ang bata kina Mang Isko. Nasa sala kaming tatlo. May hawak hawak na lalagyanan ng yam-yam si Yassi sa isang kamay na isinasawsaw nya dun sa chocolate gamit naman ang kabilang kamay.

"Yes, Yassi?" Masuyong tanong ni Ttey sa bata.

Tinitigan ako ng bata na may halong pagtataka. "Who is she?"

Napanganga ako sa pagi-Ingles ng bata. I blinked. Napangisi naman si Trey ng sulyapan nya ako.

"She's Marrgaret."

"Marrgaret?" Lumabi si Yassi at kinunutan ako ng noo. Ang bata pa nya pero alam na nya kung paano ang pagkunot ng noo. "Can I call you Senyorita?"

Napangiti ako sa kanya. Tumango ako kaya naman napapalakpak sya. Mas lalo akong natawa. She's so cute lalo na ang kanyang mga mata na kulay berde. Idagdag pa ang kanyang buhok na kulay mais. Mukhang iba ang lahi ng mga magulang ng batang ito.

"Can we play outside?" tanong ni Yassi kay Trey sabay turo sa akin at sa labas.

Napakamot naman sa kanyang ulo si Trey at nag-isip ng mabuti. He's very fond of babies, I guess. Kokonti na lang ang mga lalaking ganito.

Naalala ko bigla si Frank. Wala syang interes sa mga bata at hindi ko alam kung bakit. Trey and Frank are two different person. Kaya siguro nagkaclash silang dalawa dahil magkaibang magkaiba ang gusto at ayaw nila. Walang magpatalo at magpalamang.

Boys ego..

"Just promise me you'll do good, okay?"
"Of course!" Ngiting ngiting sabi ni Yassi. Nakakatuwa syang pagmasdan. She let out her small finger and made a pinky swear with Trey. She giggled when she saw his big hands.

Ipinasa sa akin ni Trey ang bata. "Just let me know if anything bad happen, okay? She seems to like you.." Bilin sa akin ni Trey habang nakatitig kay Yassi at ginugulo ang buhok. The girl doesn't seem to mind. Patuloy lang sya sa pagkain ng yam-yam nya.

Hinalikan ako ni Trey sa buhok bago naglakad papunta sa kung saan nagpunta si Mang Isko kanina. Sa tingin ko ay may pag-uusapan ang dalawa sa likod ng bahay dahil iyon ang tingin kong daanan papunta doon.

Niyuko ko si Yassi. Malaki na syang bata pero gusto pa din nyang nagpapakarga. "Where do you want to go?" I asked her.

She glared at me at sandaling nag-isip. "Do you want to explore Pearls?"

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon