Nasa Quiapo po ako ulit bukas. Isetann na naman siguro. As usual, maggagala. Hahaha. :)
-
"Hey.."
I smiled when I felt him touched my cheeks. Nakangiti akong nagmulat ng mga mata at nakita syang nakatunghay sa akin. Napakunot noo ako nang makita ang hawak nya.
"What's that for?" Takang tanong ko sa kanya at saka bumangon.
Inalalayan nya naman ako sa pag-upo sa kama.
"I went outside and saw someone selling this." Itinaas nya ang hawak.
Kinuha nya ang kwintas na suot ko na walang palawit at inilagay doon ang bilog na nangingislap at nasa loob ang mga stars.
Hinawakan ko ito at napatitig dahil napakasimple pero maganda. I wonder how much this cost. Alam ko kasing may kamahalan din ang mga bagay na mabibili dito sa Switzerland kumpara sa Pilipinas.
"Do you like it?" Tanong nya sa akin.
Nakangisi akong tumango at inabot ang mukha nya saka sya mariing binigyan ng halik sa labi. "I like everything that came from you."
He smiled genuinely and held my hand. Inakay nya ako sa lamesa na nasa sulok at pinaghila ng upuan. Nagpasalamat ako sa kanya at naupo na sya sa upuan sa harapan ko.
"Hindi ka ba nya hahanapin?"
Tumingin ako sa orasan. It's only eight in the morning. Alas diez ang discharge ni Neo sa ospital. Umiling ako sa kanya. "But I need to go back at 10."
Tumango tango sya at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Masaya naming pinagsaluhan ang agahan. Hindi ko na matandaan kung anong oras ako hinila ng antok. All I know was Trey's been there beside me and caressing my back to stop me from crying and holding too much breath.
Masarap sa pakiramdam na palaging may isang tao na nasa tabi mo na handang alalayan ka sa kahit anong sitwasyon. When I met Trey, aaminin kong hindi ako nag expect masyado. He's the guy whom my eyes captured despite the distance. Sya iyong tao na hindi ko aakalaing may taglay na ka-sweetan. He's been a very serious guy way back then. Kung seryoso si Raven, alam kong mas seryoso si Trey kung sa anyo lamang din ang pg-uusapan. Pero tama pala talaga na walang perpekto sa mundo, na kahit anong bagay, kahit sino ay pupwedeng magbago.
Thinking of it, I realized that no matter how fast our climate changed.. ganoon din kabilis ang pagbabago ng isang tao...
Umalis ako ng hotel na hindi na inihatid pa ni Trey sa labas. I did understand. Sekreto kami. Tago ang kung ano mang mayroon kami kaya bakit namin ipapahamak ang kung anong meron kami sa simpleng paghahatid lamang sa akin sa labas? I know my way out so.. why matter?
Sa ospital ako dumiretso at pagbukas ko ng pinto ay ang salubong na kilay ni Frank ang nakita ko.
"Where have you been?"
Nilapitan ko si Queenie na nakaupo sa isang silya at nagmamasid sa paligid. Pansin kong mas dumami yata ang mga bodyguard ni Frank kesa sa huli naming pagkikita.
I wonder what's going on..
"Hey.." Bati ko kay Queenie. Nag-uusap ang mga mata naming dalawa.
"Hi."
Kumunot ang noo ko ng bigla nyang iabot ang kanyang cellphone. Naging hilaw ang kanyang ngisi.
"Ahm.. My husband wants to tell you something regarding sa meeting nyo mamaya for the crisis.."
Pilit nyang iniaabot ang kanyang cellphone kaya naman kinuha ko kahit naguguluhan ako dahil hindi pa din naman kami nagkikita ni Anton so, bakit ganito ang sinasabi nya? Meeting? Para sa hotel? Wala akong natatandaan na humingi ako ng tulong sa asawa nya at higit pa.. paano ni Queenie nalaman ang tungkol doon?
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...