Sweetheart Warning: Welcome to the SPG Department. LOL. Read at your own risk!
**
Isinara ko ang pinto ng kwarto ni Neo at napabuntong hininga. Nagtatampo sa akin ang anak ko dahil hindi ako nakarating sa oras na dapat ay susunduin ko sya sa bahay ng mga magulang ko para magkasama kaming mag celebrate ng Christmas.
Tinalunton ko ang pasilyo papunta sa kitchen ng makita ko ang cake na dala ko para kay Neo. Kinuha ko yun at inilagay sa ref. Konti lang ang nabawas sa cake dahil masama talaga ang loob ng anak ko. Mukhang napilitan din lang sya na tikman dahil hindi sya umiimik buong byahe namin pauwi sa bahay.
Umupo ako sa silyang naroroon at hindi mapigilang hindi alalahanin ang nangyari kanina.
Trey kissed me.
Napahawak ako sa labi ko at napapikit. Aaminin kong may epekto sa akin ang ginawa nya. Hindi ako makapag-isip ng maayos to the point na pati pagsundo kay Neo ay nakaligtaan ko. Kung hindi pa ako tinawagan ng katulong sa bahay para sabihing hindi tumitigil sa pag-iyak si Neo, hindi ko pa maaalala.
I want to blame Trey but I am very much aware that it was clearly my fault. I can't blame Trey dahil ako naman ang nakalimot. I can't blame him dahil lang sa hinalikan nya ako.
I can still feel his soft lips. I can still feel how his lips move on mine. His kiss that was rough and harsh na hindi maitatago ang galit na hanggang ngayon ay dala-dala nya.
Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit nya iyon ginawa. Kung anong nasa isip nya habang magkalapat ang labi naming dalawa.
Napangiti ako ng mapait habang iniisa-isa ang mga pinagsamahan namin noon.
Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha mula sa loob niyon ang isang singsing.
Singsing na nagpapatunay na nagmahalan kaming dalawa.. na hanggang ngayon, ako na lang ang mukhang nanatiling nagmamahal.
Naalala ko ang singsing ni Mye. Nauna akong ma-engage sa kanila ni Brittany pero sila ang masasaya na ngayon. Hindi ko maiwasang hindi mainggit pero masaya ako para sa mga kaibigan ko.
They found the happiness they deserve.
Napalingon ako sa front door ng biglang bumakas iyon. Nagulat ako ng makita ko si Frank na naka-business suit pa. I thought he's already sleeping soundly on his bed kahit hindi ko naman tinanong sa mga katulong kung dumating na ba sya nang makauwi kami ni Neo.
Nakita kong maging sya ay nagulat ng makita ako. Naglakad sya papunta sa ref at kumuha ng tubig bago ako matamang tinitigan habng nakasandal sya sa may counter.
"Why are you still awake?" He asked at tinapon ang natirang tubig sa lababo.
"Nothing. I am just thinking of something".
Tinaasan nya ako ng kilay sa naging sagot ko. Niluwagan nya ang kanyang necktie bago magpatuloy sa pagsasalita. "Something like what? Something like filling an annulment papers?"
Tinitigan ko sya ng matalim. "How did you know?" pagsakay ko sa sinabi nya. Hinding hindi ko sasabihin sa kanya kung anong iniisip ko dahil alam ko ang maaaring gawin nya.
Nilapitan nya ako at hinigit ako sa braso. "O baka naman nagpaplano ka na kung paano ako lalayasan dahil nagbalik na ang gagong si Rivera?"
Kung nagulat ako sa hindi nya pagpansin sa sinabi ko, mas nagulat ako sa sumunod na sinabi nya. Paano nya nalaman na nakabalik na si Trey? All along ba alam nyang umalis yung tao without telling me?

BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...