Inayos ko ang suot kong blouse ng bahagya itong magusot dahil sa paghawak ni Neo kanina. Inihatid ko kasi sya sa bahay ng mga magulang ko dahil ayaw kong maiwan sya sa bahay mag-isa kahit kasama nya naman dun ang mga katulong. Babawi na lang ako sa kanya mamaya dahil ayaw nyang iwan ko sya pero hindi pwede.
Nagtagal pa ako dun ng ilang minuto bago ko sya mapatahan kaya heto ako ngayon, dali-daling nagdrive para makarating agad sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya namin.
Tinanguan ko ang lahat ng bumabati sa akin habang naglalakad sa lobby. Madaming tao sa front desk dahil na din sa kapaskuhan ngayon. Madami akong pipirmahang papeles at may mga naka-schedule pa akong meeting sa iba naming investors.
Grand Carlos Hotel owns and operates hotels and properties throughout Malaysia, Australia and New Zealand. It was built by my late grandfather, Josh Carlos and my father, Zeke Emmanuel who now holds the position of Chairman of the Board. Samantalang ang board of directors naman ang namamahala sa planning and strategic direction of the company.
Ako naman ang Managing Director kung saan ako ang involved sa day to day running of the Australasian interests.
The Group has equity interest in 18 hotels in New Zealand, 11 in Malaysia and 6 in Australia. May mga expansion in hotel and commercial property interest din kami sa Sydney and Singapore in the early 1990s.
At this point, Grand Carlos Hotel was established to manage the various hotel and commercial property interests.
"Good morning Mrs. Villegas and Merry Christmas", bati sa akin ng assistant ko na si Ella. Iniwasan ko ang pag-ikot ng mga mata ko sa apelyido na binanggit nya.
"Merry Christmas din. What's my schedule for today?" magaang tanong ko sa kanya pagkapasok ko ng aking private office dito sa hotel.
Napansin kong napatitig sya sa akin sandali. Marahil ay nagtataka kung bakit ako pumasok ngayon imbes na kasama ko ang pamilya ko. Gustuhin ko man pero wala akong magawa. Hindi uso ang pahinga sa akin lalo pa ngayon.
Ngumiti sya bago tiningnan ang kanyang maliit na notebook na palagi nyang dala-dala. "You have a meeting at 3:00 with Mr. Tan, Mam."
Tumingin ako sa orasan na nasa table ko. Masyado pang maaga. Ang bagal ata ng oras ngayon gayong kanina lang eh nagmamadali ako makarating lang dito. "Is there anything else?"
Umiling sya sa akin. Hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi nya. "May tumawag din po kanina para magpa-set ng appointment sa inyo from Saito Limited Hotel."
Itinigil ko ang pagtingin sa mga papeles na nakatambak sa mesa ko. Pinilit kong ngumiti. "Go on." Sabi ko bago ko itinuloy ang pagbabasa.
"Ms. Myeisha asked me if you're available-"
"Excuse me? Sino ulit?" Pinutol ko kaagad ang sasabihin nya dahil agad akong napatigil at napa-angat ng tingin dahil sa pangalan na binanggit nya. Did I hear it right?
"Si Ms. Myeisha Garcia po." Kunot noong sabi nya. "She wants to talk to you regarding some matter."
Napangiti ako bigla. Ito na ba ang hinihintay ko? "May iniwan ba syang number? I'll call her now." ngiting ngiti na baling ko sa assistant ko.
Agad nya naman yung ibinigay sa akin at lumabas na. Napatitig ako sa papel na pinaglalagyan ng number na iniwan ni Mye. My hands are shaking habang nagda-dial sa cellphone ko. I want to know right this moment kung ano ang gusto nyang pag-usapan namin.
"Good morning. Myeisha Cute speaking. Who's this?" mahinhing sagot ng babae sa kabilang linya.
Nakarinig ako ng ingay sa background at napangisi. Mye haven't change. Palagi na lang nyang isinisingit ang word na cute kasunod ng pangalan nya. Naalala ko tuloy nung college days namin, nagsasagot sya ng slum book at ganun ang isinulat nya sa pangalan nya.
"Mye." mahinang sagot ko.
Sandaling natahimik ang kabilang linya. Napakunot ako ng noo. Namatay na ba? Agad kong tiningnan ang screen pero hindi naman.
Magsasalita sana ako ulit ng mapapitlag ako dahil tumili sya sa kabilang linya.
"Oh my gosh! Maggy?!"
"Yeah." napangisi ako. Nakikita ko kasi sa isipan ko ang mukha nya na nakanganga tapos nanlalaki pa ang mga mata at butas ng ilong.
"Oh my! Merry Christmas! Buti naalala ng assistant mo na tumawag ako!"
"Yeah. Merry Christmas too. Nung sinabi nya nga, tinawagan kita kaagad."
Iniikot ko ang swivel chair ko at hinarap sa likod. Kitang kita sa baba na sobrang traffic. "So? What's the important matter?"
Napabungisngis sya sa kabilang linya. "Well..."
Napatawa ako. Bakit ba pinapabitin nya pa? I felt curious lang lalo. "Well what?"
"I am getting married!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!" sigaw ko. Nabingi ata ako. May problema ba ako sa tenga? O masyado lang akong exaggerated mag react?
Humalakhak muna sya sa kabilang linya. "Sabi ko I..Am..Getting..Married." Inisa-isa nya pa talaga and I can imagine her rolling her eyes. "Ano ba yan Maggy, nabingi ka na ata eh ilang taon lang naman tayong hindi nagkita kita."
Pinagpawisan ako bigla. Okay. I heard it loud and clear this time. I heaved a deep breath. "I just want to make sure I heard it right", palusot ko na lang.
"Fine. But we need to meet up today. Are you busy?"
Tiningnan ko ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa ko. "Ahmm.. No?"
"No?" Napatawa sya sa sinagot ko. Napatawa na din ako.
"Yeah I'm busy but this can wait. Just text me the address and I'll go there now."
"Okay. See you!"
Binaba ko na ang cellphone ko at nag-ayos. Binilinan ko ang assistant ko ng mga dapat gawin at sinabi kong may pupuntahan ako. Magaan naman syang tumango. I knew she's a very responsible woman. Ilang taon na nya yung napatunayan.
Lumakad na ako at binasa ang text ni Mye kung saan kami magkikita at pinasibad na kaagad ang sasakyan.
I can't help but smile. Okay. This is the start. Alam kong ito na ang daan para magkaayos na kami. Ito na ang simula.
***
S/N: Pinutol ko muna. I'll post the next chapter later. Merry Christmas Sweethearts! Spread the pusoopusoo! Mwaaaaa! :)))
![](https://img.wattpad.com/cover/30961917-288-k121809.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
Roman d'amourIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...