Hawak hawak ni Trey ang kanang kamay ko. Nililibot nya ako buong lugar. I don't my mind kung masakit na ang paa ko. Him, holding my hand is very much enough for me to tolerate the pain I am feeling right now.
Hindi ko akalain na may mga museum din dito. Hindi man kasinglaki ng nasa Maynila pero masasabi kong magaganda din ang nasa loob. Hindi man engrande ang istraktura at mga materyales para maitayo ang nasabing museum ay hindi na masama. Hindi naman ang mga materyales na ginamit sa pagtatayo nito ang titingnan kundi ang mga bagay na nasa loob at nakadisplay.
Mabuti na lang at dala ni Trey ang cellphone nya kaya kahit papaano ay nakakuha ako ng ilang shots ng pictures. Tuwang tuwa ako kapag pinapakita ko iyon kay Trey at sya naman ay naiiling lang pero nakangiti naman kahit papaano.
"Hershey.."
Napalingon ako bigla sa kaliwa ko. May isang lalaki at babae na kasabay namin sa paglalakad. Nakabusangot ang babae habang hinahabol naman sya ng lalaki.
"Letse ka Hanz! Huwag ka ngang magulo! Naaalibadbaran ako sa mukha mo!" Singhal naman ng babae.
Napangisi ako bigla. Tiningnan ko pa din sila. Napakamot sa ulo nya ang lalaki habang nakasunod pa din sa babaeng may cap sa ulo.
"Hershey naman.. Alam mo namang ikaw lang hindi ba?" Pagsuyo pa din sa kanya nung lalaki na Hanz pala ang pangalan.
Inirapan sya nung babae at dire-diretso pa rin ang paglalakad.
"Mga lalaki talaga! Hindi marunong magtino!" Galit pa ding sabi nung babae.
"Hershey naman.. Mali nga kasi ang iniisip mo.."
The girl glared at the guy. "Mali ang iniisip? Talaga ha! Bakit? Ano bang mali dun eh talagang 'yon naman ang sasabihin mo dun sa babaeng dugong?!"
Muntik na akong mapahalakhak sa sinabi nung babae. Pinicturan ko sila ng palihim. Naiiling ako sa kanilang dalawa. Pinagtitinginan na din sila ng nakakasalubong nila. Ang lakas naman kasi talaga ng boses nung babae. Mukhang galit na galit talaga.
"What?! Ang sasabihin ko sa kanya ay masaya na akong nakita kita!"
Natigilan ang babae sa narinig. Napansin kong namula na din ang kanyang mukha.
I glared at Trey when he squeezed my hand. He smiled. Nakatingin din pala sya dun sa tinitingnan ko.
"What?" tanong ko sa kanya ng nakakunot noo.
"We're here."
Itinuro nya ang unahan namin kaya naman napatingin din ako doon.
I blinked my eyes so many times. Nasa harapan kami ngayon ng mahigit sa labinlimang naglalakihang cubes na iba't-iba ang kulay na may pinto sa unahan.
"What's that?" Manghang tanong ko kay Trey. Hindi ko na sya nilingon pa. Lalo akong namangha ng mula sa isang cube na may pinto din ay lumabas ang ilang teenagers na nagtatawanan.
"Gosh! Ang ganda talaga dito!" Sabi nung maliit na babae.
"Oo nga!"
"Hindi ko pagsisisihan na napadpad tayo dito sa kagandang lugar!"
Rinig kong pag uusap nila. Nilingon ko ang paligid. Iba't-ibang size ang cube at iba't-iba rin ang kulay at disenyo. Nakakaamaze talagang tingnan lalo pa at nakasabit sila sa mga puno. May hagdan na nagsisilbing daan para makaakyat at makababa.
This is really unbelivable! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng lugar!
"Do you like it?" Masuyong tanong sa akin ng lalaking katabi ko.
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomantikIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...