TLYM 36

264 10 0
                                        

"We should know the reason why Mrs. Villegas. Hindi natin pwedeng ipagsawalang bahala na lamang ang nangyayari. We don't want to wake up one day na ubos na ang mga empleyado ng hotel!"

Napakislot ako sa lakas ng boses ni Mrs. Yusho, isa sa mga board of directors ng hotel.

Our hotel is in crisis. Malaki ang problemang kinakaharap nito ngayon dahil sa pagtaas ng employees turnover at ngayon ko lang nalaman.

"Mrs. Yusho, makakaasa po kayong masusulusyonan ko kaagad itong pro-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang iwagayway nya ang kanyang kamay tanda na tumigil ako sa pagsasalita.

"Mrs. Villegas, we are very much aware na hindi ka pumapasok ng opisina. We're very confused why?"

Nanlamig ako sa tanong nya. Nagsitanguan ang mga kaharap ko ngayon at matamang naghihintay na sagutin ko ang tanong ng matandang babae.

"Mrs. Villegas, you should be responsible. This is your parents hotel at ikaw na ang nag mamanage. You should know the consequences if you don't do your best to manage it well. Unfortunately if this hotel backrupt, we will be backcrupt too. Your actions will reflect on us. I want you to open your eyes, Mrs. Villegas. This is the business world. This is your husband world too."

Nagsitayuan na silang lahat at iniwan akong mag-isa sa conference room.

I haven't imagine that we will face this kind of crisis. Matagal nang nakatayo itong hotel at masasabi kong ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong problema.

Itinukod ko ang siko ko sa mesa at nagpangalumbaba. I should think of the possible ways to get this problem over with. Hinding hindi ko hahayaan na malubog ito sa problema.

It would be a shame on my part. Sigurado akong mapapabalik ang mga magulang ko dito sa Pilipinas kapag nasagap nila ang balita and I won't let it happen because they will surely know my actions with Trey.

"Maggy?" Sumilip ang ukha ni Belle at nakangiting tinawag ang pansin ko.

"Yes?"

"You'll be having a meeting outside in 15 minutes." Paalala nya sa akin.

Tumango ako at umalis na sya. Kinuha ko ang coat ko bago lumabas para magtungo sa parking lot.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko ng may humila ng suot kong skirt.

Napanganga ako ng makita ko ang nakangiting mukha ni Yassi.

"What the?! Yassi?!" Gulat na sambit ko.

"Hello senyorita!" Kumaway pa sya bago ako hinila para mapaupo ng bahagya. She kissed me.

"Sinong kasama mo? Why are you here?"

Kinarga ko si Yassi bago ipinasok sa sasakyan. Kinabitan ko din sya ng seatbelt.

"Kasama ko po si senyorito kanina.."

I narrowed my brows.

Nag iwas ng tingin sa akin ang bata. "I asked senyorito kung ano po ang sasakyan papunta dito. He told me I need to ride a cab, he also told me the address.."

"And?"

"I went here.."

"Where's senyorito?"

Napangiwi sa akin si Yassi at nagyuko ng ulo. Kinabahan ako sa ginawi nya.

"Yassi.." Warning na tawag ko sa pangalan nya.

"H..he... d-didn't know I w-went here, semyorita.."

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon