TLYM 37

275 7 0
                                    

"Hi mommy!"

Malawak akong napangiti nang makita ang mukha ni Neo sa screen. Kasalukuyan kaming nag-iskype. Nandito ako ngayon sa bahay namin ni Frank at nakaupo sa sahig dahil dito ko napagpasyahan na makipag usap sa kanila.

Hinawakan ko ang screen na para bang sa pamamagitan nun ay mahahawakan ko ang mukha nang nakangiting si Neo. Hindi ko muna pinansin ang tahimik na si Frank na nasa likuran ng bata at pinapanood kaming dalawa.

Napansin kong nanonood si manang di kalayuan. I smiled and she smiled back bago umalis. Alam kong alam nya kung bakit hindi ako nananatili dito sa mansyon pero hindi nya ako hinusgahan. Ni wala syang sinabi nang makita nya akong umuwi.

Sinabi ko kay Trey na sa mansyon muna ako para hindi makahalata ang iba na nagsasama kami sa kanyang unit.

He just made me promise na kahit anong mangyari ay babalik ako.

Babalik ako nang buo sa kanya..

"Mommy?"

Ibinalik ko ang tingin ko kay Neo nang magsalita sya. "Yes baby?"

Kinunutan nya ako ng noo. "Are you okay po?"

Tumango ako sa tanong nya. "Of course. I just missed you."

He giggled. Nakasuot sya ng bonnet sa ulo at makakapal na sa tingin ko ay pinagpatong patong na jacket.

"I missed you too, mom. Daddy misses you too."

Sinulyapan ko si Frank na nanatili sa likuran ni Neo. Nag iwas lang sya ng tingin sa akin pero napansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang.

"Mom."

"Hmm?"

"We will be going home."

I didn't utter a word. Tumingin sa akin si Frank na para bang tinitingnan ang magiging reaksyon ko.

Ngumiti ako kay Neo. "Talaga? When? I missed your naughtyness baby."

I need to act normal lalo pa at tinititigan ako ni Frank. Hindi man sya magsalita pero alam kong may tumatakbo sa isipan nya.

"It's a secret mom." Nakangising sagot sa akin ni Neo.

I pouted. "Why?"

"Because daddy said so?" Patanong ding ganti nya bago humahalakhak na tumingin kay Frank.

Neo seems to be close to Frank. Iyon ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Frank held Neo closer to him and kiss his hair. Napalunok ako sa nakita.

"You shouldn't tell your mom." Sabi nya kay Neo habang nakatingin sa mga mata nang huli.

Neo pouted his lips. "But dad.. I know you misses mom so much. I saw you looking at her photo on your phone last night."

Napasinghap ako sa pagkakabigla. Nanlaki din ang aking mata sa sinabi ni Neo. Tinitingnan ni Frank ang picture ko? Bakit? At paanong nagkaroon ako ng picture sa cellphone nya?

"You are talking too much."

Nilingon ako ni Neo at ngumisi. "Dad is quite uncomfortable, mom."

Hindi ako makapaniwala. Paanong sa loob ng mahigit dalawang buwan ay napalapit na si Neo kay Frank gayung dati ay ni hindi nya ito hinahawakan o kinakausap man lang?

Frank looked at me deeply. Nangilabot ako sa klase ng tingin nya sa akin pero hindi ko magawang iiwas ang mga mata ko.

"Sir Frank?" Rinig ko ang boses ng isang lalaki.

Napalingon ang dalawa at naunang tumayo si Frank para tumhuhin ang sa tingin ko ay pinto. Naiwan si Neo na nakatingin sa papalayong si Frank.

"Mom, I think daddy and I have to go. I love you mommy! Daddy and I loves you!"

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon