Hayop.
Gago.
Demonyo.
Walang puso.
Walang awa.
Gigil ko pa ding kinukuskos ang katawan ko habang tahimik na umiiyak. Wala akong pakialam kung mamula ang balat ko sa tindi ng kuskos na ginagawa ko. Wala akong pakialam sa sakit ng bawat kuskos ko. Wala na akong pakiramdam. Basta ang alam ko, gusto kong mawala ang lahat ng nangyari kagabi.
Mas masakit pa ding isipin na muntik na akong gawan ng masama ng demonyong si Frank!
Inis kong ibinalibag ang lahat ng gamit sa banyo. Umiiyak na napaupo na lang ako habang bumubuhos ang tubig mula sa shower sa katawan ko.
Awang awa ako sa sarili ko.
Bakit kailangan kong maranasan ang ganito?
Hindi na ako makahinga ng ayos at alam kong maya maya lang ay baka atakihin na ako sa puso dahil hindi ko mapigilan ang mga emosyon na lumulukob sa pagkatao ko.
Frank immediately went out of the house after the call. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Trey sa kanya at galit na galit sya ng balingan nya ako at bigyan ng mag-asawang sampal. Iniwan nya ako sa gitna ng sala na umiiyak. Wala syang pakialam kung nasaktan nya ako ng todo at ni wala isang saplot sa katawan, basta na lang syang umalis pagkatapos basagin lahat ng mahawakan nya.
Nanatili lang ako sa sala nang makita ako ni manang Norma na mukhang nagising lang sa ingay ng mga nbasag na gamit. Tandang tanda ko pa ang itsura nya ng makita nya akong walang saplot at may sugat sa gilid ng labi.
Tinulungan nya akong tumayo dahil wala talaga akong lakas. Pagod na pagod ako sa kakaiyak at pananakit ni Frank. Kahit si manang naiyak na din ng makita ako. Ilang beses nya akong tinanong kung ano na naman ba daw ang nangyari sa aming mag-asawa pero nanatili akong walang kibo at tahimik. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat kahit pa alam kong may sapantaha na sya sa nangyayari sa aming dalawa.
Mag-asawa.
Gusto kong matawa. Kahit kailan hindi kami nagturingang mag-asawa ni Frank. Nagsasama lang kami sa iisang bahay. Kasal kami pero sa papel lang. At hanggang dun na lang yun.
Hindi ko pinangarap na makasama sya sa iisang bubong pero anong magagawa ko?
I was forced.
I grabbed my hair at inis na sinabunutan ang sarili ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang ganito. Mababaliw ako kung magpapatuloy pa ang pagsasama namin ni Frank.
Pero alam kong hindi lang pagkabaliw ang mangyayari sa akin dahil baka mapatay nya din ako sa pananakit.
Frank is a monster. He's a very dangerous person.
Hindi ko sya kayang kalabanin dahil sa ibang pamamaraan sya kung gumanti. Lalo akong natatakot sa mga posibilidad na maaring mangyari sa akin at kay Neo.
Napaluha akong lalo ng maalala ang anak ko. Mabuti na lang at hindi sya nagising kagabi katulad ni manang dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa batang isip nya ang mga nangyayari kahit alam kong matalino sya. Hindi ko kayang matrauma ang anak ko sa sariling pamamahay namin.
Kinakaya ko ang lahat para sa kanya. Ayokong magkalayo kaming dalawa. Hindi ko yun kakayanin. Hinding hindi.
Tumayo ako at tiningnan sa salamin ang repleksyon ko. Napahawak ako sa gilid ng labi ko at napakislot. Masakit pa din ang sugat dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin ng demonyong si Frank. Idagdag pa ang pagkagat ko sa ibabang labi ko para lang huwag nyang mahalikan.
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...