TLYM 16

262 7 0
                                    

I've been busy. Midterm namin at may mga events pa kaming gagawin plus the requirements sa school. Hectic sched. Simula January hanggang March may schedule ng events and take note, isang subject lang yun pero kada week meron kaming gagawing event. Woooo! And unfortunately, hindi pa yun lahat.

---x---

"Tara na!"

Sumunod ako sa dalawa nang agad na bumaba si Brittany mula sa sasakyan. Nandito na kami sa simbahan kung saan gaganapin ang rehearsal ng mga abay at maging ang kasal nina Mye at Raven sa susunod na buwan.

Nico made a tsk sound again habang nakahawak sa braso ng asawa para alalayan. Hindi ko na mabilang kung pang ilang tsk na ang binitiwan nya ngayon. Simula nung dumating ako sa bahay nila, he always made that sound. Siguro para kalmahin ang sarili dahil napaka hyper ni Brittany magbuntis.

Pumasok na kami sa loob at napansin kong madami ng tao. Agad napalingon ang iba sa amin at hinintay kaming makalapit sa kanila.

"Nandito ba sina Mye?" tanong ko kay Nico ng tumabi ako sa kanya na pinagmamasdan si Bri na makipag usap sa isang kakilala.

Umiling sya sa tanong ko. "They were busy. Sa susunod na lang daw sila. I talked to Myeisha an hour ago."

"What did she say? Sinabi mo bang kasama nyo ko?"

"Yep. She also warned me."

Tinaasan ko si Nico ng kilay when he smirked. "Warned you about what?"

Sinulyapan nya ako sandali bago ibinalik ang tingin kay Brittany. "She asked me to keep an eye on you."

Sumimangot ako bigla. Hindi na ako bata para bantayan! God! Masasapok ko talaga si Myeisha!

"Hindi mo na 'yon kailangang gawin. I can take care of myself. Para namang lahat ng nandito kilala ko. No one will dare to lay a hand on me", sabi ko kay Nico.

"Well.. may mga lalaki pa ding malakas ang loob." Ganti nya habang nakatingin sa harapan.

Sinundan ko ang tinitingnan nya and I saw a tall guy walking in front of us. Ngiting ngiti sya habang nakatingin sa aming dalawa ni Nico. Napakunot ako ng noo. Kung makangiti naman, wagas. Parang matatanggal na ang panga.

I rolled my eyes.

"Hi!" Bati nya sa aming dalawa ni Nico. Tinaguan na lang namin sya ni Nico at binati pabalik.

Tinitigan nya ako dahilan para mapataas ang aking kilay. "May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya.

"I can't believe Marrgaret Villegas is in front of me", nakangiting sabi nya bago ako nilapitan pa. "I am Ken Tyron Rivera by the way."

Hindi ako nakapagreact ng halikan nya ako sa pisngi pagkatapos nyang ipakilala ang pangalan nya. Napansin kong umalis na din si Nico at magkatabi na sila ni Brittany na nag uusap di kalayuan.

I pouted. Akala ko ba he will keep an eye on me?

Nakarinig kami ng pagtikhim galing sa likod. Agad akong napalingon.

Nakatayo sa likuran ko si Trey habang nakapamulsa. Nakasuot sya ng shades kaya hindi ko makita ang mga mata nya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtataas nya ng kilay habang nakatayo sa likuran ko. Nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi. Kanina pa ba sya sa likuran ko?

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon