Supposedly hanggang Chapter 55 lang 'to. Pero dahil sa chapter na ito, hahaba pa yata. Masasaktan kayo sa chapter na 'to. Hahaha! Nakatulugan ko na pala ang pagtatype at nung magising ako, nagkaroon ako ng idea for this chapter.
Seryoso, tatlong araw kong pinag-isipan kung anong ilalagay ko dito. Hahaha!
I am editing IYABY. May mga scenes pa pala doon na hindi nabigyan ng sagot. Mahaba ang chapter na 'to. 2058 words kasama na 'tong aking note.
-
Pinagmasdan ko ang matayog na building mula sa labas. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking mga gamit at pinigil ang luha.
I gathered my things inside our hotel matapos kong mabasa ang text sa akin ni Queenie.. Our.. ngunit ngayon ay hindi ko alam kung sinong nagmamay-ari na..
Sumakay ako ng sasakyan para umuwi. I remembered the way our employees stared at me with sympathy when I entered the hotel with a pang on my chest.. Daig ko pa ang namatayan sa klase ng tingin nila sa akin kanina..
Nagmaneho ako ng mabilis palayo doon at agad na nakarating sa mansyon na tinirhan namin ni Frank..
Agad akong sinalubong ni manang at niyakap pagkababa ko ng sasakyan. Sa higpit ng yakap nya ay alam kong alam na nya ang nangyari!
Sino ba naman ang hindi? Halos lahat ng palabas sa tv ay iyon ang balita. Ang kaibahan lang ay hindi namin pare-parehong alam kung sino na ang bagong may-ari.
I don't know why that issue is being confidential. Kriminal ba ang nakapagpabagsak sa kompanya namin kaya ayaw nyang magpakilala at magpakita sa ibang tao?
"Hija.."
Kumalas ako kay manang. Kinuha nya ang aking mga dala. Kababakasan ng takot ang kanyang mukha.
"Manang, bakit po?" Hindi nakatiis na tanong ko. Nakatitig lang kasi sya sa akin at mukhang hindi mapakali habang pabalik balik na tinitingnan ang loob ng mansyon.
"Hindi ka na muna sana nagpunta dito!"
Kunot noo ang naging sagot ko sa kanyang sinabi.
"Papasukin mo ang walang delikadesang babae na iyan!"
Napakislot kaming pareho ni manang sa lakas ng boses na iyon at may bakas na galit.
Napunta ang mga mata ko sa babaeng nakatayo sa may pinto at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.
I swallowed hard. Nasa tabi nya ang aking daddy na alam kong galit na galit din dahil sa nangyari.
"Ano pang hinihintay mo?!"
Kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa kinatatayuan nila.
Mag-asawang sampal na niyanig ang aking buong sistema ang sumalubong sa akin paglapit ko sa kanila..
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...