"Knock knock."
"Whose there?"
"Meatloaf."
"Meatloaf who?"
"Sa iyong ngiti.. ako'y nahuhu.." Sabay labas ni Myeisha ng bagay na itinatago nya sa likuran nya.
Napahalakhak ako ng malakas ng makita ang inilabas nya.
Ma Ling.
"You're so corny."
Naningkit ang mga mata ni Mye sa narinig. Binalingan nya ang batang kalong ko.
"Hoy bubwit! Wag kang ano ha!"
Yassi arched her brow as she looked up. "What po? Totoo naman ang sinabi ko. You're so corny."
Raven laughed hard. Napailing ako sa sinabi ni Yassi while Myeisha pouted her lips at nagpapadyak pa ng paa.
"God! Nakakainis ang batang 'to!" aniya.
"Baby.." tawag sa kanya ni Raven.
Inirapan ni Myeisha ang asawa at tumalikod. Raven glared on me and smirked bago sinundan ang asawa na nagtatampo.
Naiwan naman kaming dalawa ni Yassi na nakaupo sa tabi ng pool.
Kasalukuyan kaming nasa beach house na pagmamay-ari ng mag-asawa. They finally went home at naimbitahan kami ni Trey na magbakasyon muna dito kasama sila. Walang mag aalaga kay Yassi kaya naman isinama na namin sya. We don't have a heart kung iiwan naman ang isang paslit na mag-isa.
Gusto kong mapailing nang maalala na agad kaming tinawagan ng mag asawa para magbakasyon dito sa beach house, mukhang nasasanay na silang magbakasyon na parang walang naiwan na kompanya.
"Hindi mo ba namimiss sina Mang Isko, sweetie?" tanong ko kay Yassi.
Hinaplos ko ang kanyang buhok. Tiningala nya ako at nginitian pero halata kong may lungkot sa kanyang mga mata.
"I missed them senyorita. I want them to be with us pero malayo naman sila and they have work. Their work is more important that's why I shouldn't feel sad, right?"
Tumango ako sa kanya at hinalikan sya sa gilid ng ulo. Such a smart kid.
Napakislot ako ng may humalik sa aking pisngi kasabay ng paglitaw ng bouquet ng mga bulaklak sa harapan ko.
"Babe."
Lumingon ako at ang nakangiting mukha ng lalaking mahal ko ang nabungaran ko.
"Hey.." Bati ko. Tatayo na sana ako para yakapin sya pero may nauna na sa akin.
"Senyorito!"
Agad na binuhat ni Trey si Yassi na yumakap sa kanya. Gusto kong mapasimangot! Ako dapat eh! Ako dapat ang nauna!
"Hey princess. How are you? Good girl ka ba?"
"Of course po. But the girl kanina she's so corny."
Tumayo na ako at lumapit sa kanilang dalawa. Hinawakan ko ng mahigpit ang bigay sa akin ni Trey na mga bulaklak.
Kumunot ang noo ni Trey at hinaplos ang likuran ni Yassi. "Girl who, princess?"
Lumabi si Yassi at saka ngumiti nang maluwang. "Yung girl po na madaldal. She always joke around even if it isn't funny. She's chubby and she's panget po. She's..Maye?" Kunot noong tanong nya at parang hindi sigurado sa binanggit na pangalan.
"What?!"
Napalingon kami sa nagmamartsa na si Myeisha n kasunod ay si Raven na hindi mahabol ang asawa sa bilis maglakad.
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...