TLYM 57

179 12 1
                                        

Binuksan ko ang pintuan nang kwarto na okupado ni Frank dito sa ospital. Napagpasyahan kong puntahan na sya para matingnan kung maayos na ba ang lagay nya.

Sinubukan ko syang tawagan kanina para alamin kung anong ginagawa nya dahil alam kong walang nagbabantay sa kanya pero hindi sya sumasagot.

I went here immediately after eating my lunch. Malayo ang canteen mula sa kwartong okupado ni Frank kaya napagpasyahan kong kumain na muna bago dumiretso nang ospital.

Gusto ko nang sabihin sa kapatid nya ang nangyari pero naalala ko ang sinabi ni Frank.

He can't forgive his sister for betraying him..

Gusto kong mapailing dahil alam kong gusto din ni Frank na may mag-alaga sa kanya but because of pride? Alam kong nilalabanan nya ang urge na tawagan ang kanyang kapatid at papuntahin dito.

Ang taas ng pride. Mas mataas pa sa Mt. Fuji.

"How about the Grand Carlos Hotel?"

Naudlot ang pagsasalita ko nang marinig mula kay Frank ang pangalan ng hotel na pagmamay-ari namin noon.

Nakatalikod sya sa akin at nakaharap na naman sa bintana habang may kausap sa cellphone kaya hindi nya sigur narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Make sure you're taking good care of the hotel.." Sabi pa ni Frank.

Palakas ng palakas ang pagkabog ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim hanggang sa mapansin kong ibinaba na ni Frank ang kanyang cellphone pero hindi pa din sya humaharap.

I found my voice to speak. "Ikaw ba ang may kagagawan Frank?"

Gulat nyang iniikot ang wheelchair na sinasakyan nya. Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

Mas lalo akong nakaramdam nang galit sa nakita kong reaksyon nya..

"Why? Bakit mo 'yon ginawa?" Puno nang hinanakit na pakli ko.

"I didn't do anything, Marrgaret." Tiim bagang na sabi nya.

Naglakad ako papalapit sa kanya at suminghap. "Liar! You told me you'll take everything from me!"

Naalala ko ang pagbabanta nya sa akin nang mahuli nya kami ni Trey. Nawala iyon sa isipan ko dahil ang naging kasunod nang pangyayaring 'yon ay ang pagbagsak ng hotel na ako ang namamahala.

"I told you, Maggy! I didn't do anything! Stop blaming everything at me! Hindi porket narinig mong may kausap ako tungkol sa hotel na pagmamay-ari nyo noon ay ako na ang may kagagawan ng pagbagsak niyon!"

Umatras ako sa lakas ng kanyang boses. Napatakip ako sa bibig nang makitang nagtataas baba ang kanyang dibdib.

Sinubukan kong lumapit kay Frank pero pinahinto nya ako sa pamamagitan ng kanyang kamay at matakim akong tiningnan.

"Don't come near me, Maggy. Kung nangpunta ka lamang dito para sumbatan ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa ay makakaalis ka na." Malamig na sabi nya at pinagulong ulit ang wheelchair sa tabi ng bintana.

Nawalan na ako ng imik pero hindi pa din maampat ang pagpatak ng luha sa aking pisngi.

"Pero ano 'yong narinig ko? Who are you talking to? May dapat ba akong malaman?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Rinig ko ang paghugot nya ng marahas na paghinga. Hindi sya sumagit at pakiramdam ko ay mas lalo akong hindi mapapakali sa pagtahimik nya..

"Frank, please.."

Nagulat sya ng bigla akong nasa harapan na nya at umiiyak. Napalunok sya habang nakatitig sa mukha ko.

"You don't have anything to know, Maggy."

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon