TYLM 10

277 10 0
                                        

S/N: I've been very busy to school--- especially next week. Sorry for the long wait. Thanks. :')

-

"Marrgaret."

Nag-angat ako ng tingin mula sa mga papeles na binabasa ko. Hindi ko gustong magpaistorbo ngayon dahil mukhang may problema sa hotel at kailangan itong masulusyonan sa lalong madaling panahon.

Napataas ang kilay ko ng makitang si Frank ang nasa harapan ko. "What are you doing here?"

Nakita kong napalunok sya bigla. "I brought you lunch", sabay taas ng hawak nyang plastic na mukhang may lamang pagkain.

Hindi ako nakaimik sa pagkakabigla. This is the very first time na nagpunta sya dito. I knew shock was written on my face as of now.

Sinusundan ko sya ng tingin habng papunta sa mesa na nasa sulok ng opisina ko. Agad nyang inilabas ang lahat ng nasa loob niyon.

I glanced at my watch and it says it's already lunch time. I heaved a deep sigh. Kaya pala nagugutom na ako pero hindi ko yun ininda dahil masyado akong busy sa pagbabasa ng mga reports kung saan mas lumaki ang employees turn over ngayon kumpara noon.

Napahilot ako sa sentido ng maalala ang problema ng hotel.

"Are you okay?"

Tumango ako kay Frank na nakatitig na sa akin ngayon. I wonder why he suddenly went here though kasasabi nya lang na nagpunta sya dito dahil ipinaghanda nya ako ng lunch or should I say, ibinili nya ako sa labas at dinala dito.

"Have you eaten?"

"No."

"Let's eat?"

I swallowed hard. I can sense concern on his voice.

"Hindi ako sanay na ganito ka", sabi ko bigla bago ko pa mapigilan ang bibig ko.

Nanlaki ang mga mata nya. Hindi nya siguro akalain na masasabi ko sa kanya ang nasa isip ko.

Hindi ko pa din inaalis sa kanya ang mga mata ko kaya napansin ko ang suot nya. He's wearing his usual business attire. Mukhang dumaan lang din sya dito para sa lunch. He is not the usual Frank Villegas.

"Marrgaret.. I came here because.." Napalunok sya bago pa idiretso ang gustong sabihin.

Kumunot ang noo ko. Ano bang meron ngayon at nagkakaganito ang lalaking 'to?

Tumayo ako at limapit kung nasaan sya at agad na umupo at tiningnan ang pagkaing dala nya. I arched my brows when I noticed na paborito ko ang lahat ng dala nyang pagkain. Is this bribe? Mukhang may kailangan sya sa akin ngayon eh.

Kinuha ko ang kutsara at tinidor at agad na kumain. Si Frank nakatayo pa din sa harapan ko at alam kong pinagmamasdan nya ako.

Nag angat na ako ng tingin at sinulyapan si Frank. Agad naman syang nag iwas ng tingin na para bang ayaw nyang mahuli ko syang nakatitig sa akin.

Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko at pinunasan ang bibig ko bago magsalita. "Hindi ka ba kakain?"

I heard him took a deep breath bago umupo sa upuan na katapat ng inuupuan ko. All his gestures was really something for me. Pakiramdam ko ay hindi din sya mapakali lalo pa at ngayon lang nangyari ito. Sa bahay kasi okay lang na hindi kami nag iimikan kahit nasa harapan kami ng hapag at ni Neo pero ngayon? Pakiramdam ko pati ako naninibago na kasabay syang kumain na kami lang dalawa.

"Why all of a sudden Frank?" basag ko sa katahimikan. Nakatitig pa din ako sa kanya ng mag angat sya ng tingin sa akin matapos ibaba ang kutsara at tinidor.

"I just want to tell you that I'll be out of the country for three months."

I arched a brow at ipinagpatuloy ang pagkain. "What's new?" sarcasm was evident on my voice.

Wala namang kaso sa akin na umalis sya ng bansa. Sa loob ng limang taong pagsasama naming dalawa, nasanay akong umaalis sya ng hindi nagpapaalam kaya naman hindi ko makuha ang punto nya this time. So, kay ba sya nandito ay dahil nagpapaalam syang mawawala sya ng tatlong buwan?

"The new was.. I want Neo to be with me."

Muntik ko nang maibuga ang pagkain na nasa bibig ko ng marinig ang sinabi nya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko sya. Pinilig nya ang kanyang ulo at agad na nag iwas ng tingin sa akin. Hindi pa din ako makapaniwala. Nananaginip ba ako?

"A-are..you s-serious?" Nanlalaki pa din ang mg matang tanong ko. Damn! I am stuttering!

Tinaasan nya ko ng kilay. "Do I look like I am kidding?"

My mouth formed an O. Hindi pa din ako makapaniwala. In front of me was the high and mighty Frank Villegas! Ano ba tong nakain ni Frank?

"I..j-just c-can't believe you want Neo to g-go with you", wala pa din sa sariling paliwanag ko.

Tinitigan nya ako ng matalim sa sinabi ko. "Alam ko ang mga nagawa ko noon Marrgaret. I am very much aware I let the kid feels like I don't care about his existence from the start that's why I want to change that. I want him to know that from now on, I care about him--everything about him."

Hindi ako nakaimik. I got his point. Gusto na nyang bumawi kay Neo this time. I can't decide. Hindi ko alam pero gusto kong itry ang gusto nyang mangyari. I want to take risk but still, si Neo ang pinag uusapan dito. I want to know kung anong mararamdaman ni Neo kapag sinabi ko sa kanya ito. Malayo ang loob nya kay Frank. Hindi ko alam kung sasama ba sya na hindi ako kasama. In Neo's eyes, Frank is a stranger though he calls him daddy and I won't blame the kid for that. Frank let him feel that way though.

"Do you think.. he will go with you?" nag aalangang tanong ko sa kanya. Napansin kong maging sya ay natigilan din sa tanong ko.

He shrugged.

Hindi ko pa din maialis ang tingin ko sa kanya. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman nya ngayon pero nahihiya akong magtanong. Gustuhin ko man pero wala akong magawa. Hindi ako sanay na ganito kami kacivil sa isa't-isa. The last time we saw each other was the night when he tried to do me.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng maalala 'yon.

"I'm sorry", rinig kong sambit nya bigla.

Idinilat ko ang mga mata ko. His eyes were pleading. Mukhang alam nya ang itinatakbo ng isip ko.

"I didn't mean that."

"Let's not talk about it", paiwas kong sagot. Napatingin lang ako sa pagkaing nasa harapan naming dalawa.

Ayoko ng balikan ang nangyari ng gabing 'yon. Masakit pa din 'yon para sa akin. He's harsh and hard.

"I still can't believe you're my wife".

I swallowed the lump on my throat. "So am I. I can't believe you're my husband too", nakataas ang kilay na sagot ko pabalik.

He grinned at uminom ng tubig bago nagsalita ulit.

"Tell me.. why did you chose me?"

Napipilan ako bigla. Bakit nya ako tinatanong ng ganito? The feeling was surreal. Hindi ako makatingin sa mga mata nyang nakatutok sa akin ngayon. Hindi ko matingnan ang mga mata nyang hinahalina akong sagutin ang tanong nya.

Mga matang hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla.

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon