I tapped my fingers on the table habang nakapangalumbaba at nakatitig sa tv. I can't help but pout my lips on the screen. Wala sa palabas ang atensyon ko dahil masyadong okupado ng isang tao ang isipan ko..o dapat ko bang sabihin na buong sistema ko?
It's Saturday at napagpasyahan kong hindi na muna pumasok sa opisina na syang pinagsisisihan ko sa sandaling ito dahil wala akong magawa. Pwede namang kahit anong oras ako pumasok pero hindi pa din maialis sa isip ko ang kahihiyan lalo na sa mga empleyado sa hotel.
For me, being the daughter of the big boss matters. Ayokong isipan nila na dahil lang dun kahit anong oras pwede akong pumasok. Pakiramdam ko napaka-unprofessional ng ganoon kaya naman kahit bored na bored na ako dito ay hindi pa din ako nagbibihis para pumasok. It's already 10 in the morning. Pumapasok ako ng opisina ng alas syete ng umaga.
Sinulyapan ko ang kitchen. Magbake kaya muna ako? Pero tinatamad pa din ako eh. Ano ba naman 'to. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sarili ko.
"Mam?"
I startled ng may biglang lumitaw mula sa kitchen at magsalita. "Huh?" wala sa sariling sagot ko.
Napangiwi naman ang katulong sa reaksyon ko. "Hindi pa po ba kayo mag aagahan? Ipagluluto ko po kayo."
Napanganga muna ako bago tumango. Kanina pa akong gising at hindi pa nga pala ako nag-aagahan!
Sinulyapan ko ang palabas. Ibig sabihin, kanina pa din akong nanonood pero wala namang pumapasok sa isip ko?
Gusto kong batukan ang sarili ko. Nababaliw na ata ako.
Inis akong tumayo at pinatay ang tv. Wala talaga akong maisip na gawin ngayon. Wala akong maisip na pwedeng puntahan sakaling makatapos ako sa pagkain ko mamaya na mukhang magiging brunch na.
Kinuha ko ang cellphone ko sandali at nagpaalam sa katulong. Pinuntahan ko sya sa kusina. "Aalis muna ako ha."
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "Pero kumain muna po kayo, Mam!"
I smiled at tinapik sya sa balikat. "Okay lang. Pwede namang sa labas na lang ako kumain. You can eat that."
"Pero ipinagbilin po ni Sir Frank..."
Naudlot ang pagtalikod ko sa binulong nya. "Huh?"
"Pinagbilin po ni Sir Frank na huwag kayong paaalisin ng hindi kumakain. Pinagbilin nya po iyon sa aming lahat bago sila umalis ni Neo", mahinang sagot nya habang hinahalo ang niluluto nya.
Napalunok ako sandali at kumunot ang noo. "Ipinagbilin nya talaga?"
Tumango naman sya sa akin at sandali akong sinulyapan. Sumandal ako sa may ref at napatitig sa kanya. "Ipinagbilin nya din po sa driver na ihatid kayo kung saan nyo gustong pumunta. Madami po syang ibinilin eh. Mukhang mahal na mahal kayo ni Sir. Ang swerte nyo po Mam."
Mabuti na lang at wala akong iniinom na tubig. Baka maibuga ko iyon bigla dahil sa sinabi ng kausap ko. Hindi mawala ang pagkakakunot ng noo ko sa sinabi nya. Hindi ko alam na magbibilin si Frank ng ganoon.
Inaalala nya ba ang kapakanan ko?
Napanguso ako bigla. Hindi pa kami nagkakausap simula ng umalis sila ni Neo.
"Mabait si Sir Frank, Mam Marrgaret."
Mas lalo akong napanguso. "Talaga? Hindi naman sya mabait sa akin eh." I rolled my eyes.
Pinatay nya ang stove at pinakatitigan ako. "Mabait po sya pero tahimik kapag tungkol na sa nararamdaman nya ang pinag-uusapan. Pinaparamdam nya lang po ang gusto nya pero hindi nya sinasabi. Ganoon po ang pagkakakilala ko kay Sir."
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...
