TLYM 54

224 12 16
                                        

Noong maikasal ako kay Frank at malayo kay Trey, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para ipagpatuloy ang buhay.

Hindi ko matanggap ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, ako pa ang nagkaroon ng problema na hindi ko alam kung masusulusyunan ko pa..

Hindi ko alam kung bakit ako? Bakit ako ang kailangang humarap sa isang sitwasyon na alam kong hindi ko kayang panindigan?

Nasagot ang mga tanong ko noon. It's because I want him to be secured.. I want to protect him without knowing what I did. Gusto ko syang protektahan simply because he deserves to be protected. Sa dinami-rami ba naman ng pinagdaanan ni Trey, kaligtasan nya ang nangunguna sa isip ko sunod ang pagmamahal ko sa kanya. 

What is love when you're not protected? not secure? Paano ipagpapatuloy ang pagmamahal na alam mong hindi naman protektado? Paano magiging masaya kung may agam agam sa loob? Masarap magmahal nang walang iniisip na kahit ano. At iyon ang ginawa ko noon. 

I secure his safety first then after that, I continued loving him despite our distance. 

Pero ang hindi ko napaghandaan ay ang mangyayari sa muli naming pagkikita. Mga sitwasyon na alam kong ginusto ko pa din kahit hindi ako naghanda.

I became selfish. I became different. Siguro nga ay mas lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya pagkalipas ng maraming taon naming  paghihiwalay.. Pero sapat na ba iyon para ang aking pagmamahal ay makaperwisyo na?

My love isn't healthy anymore. Pearl is right. My love is kinda destructive. Marami akong natapakan at hindi nag-isip sa mga naging desisyon ko. I thought fighting for my love will lead to a better way. Pero ang pinagtapusan niyon ay ang pagkasira naming pareho sa mga sarili at tao sa paligid namin. 

Mali man o tama ang naging desisyon ko, isa lamang ang alam ko ngayon...

Pinapaalis nya na ako sa buhay nya.. 

I hugged my pillow tight. Ilang linggo na ang nakalipas mula ng sabihin iyon sa akin ni Trey. Kinaladkad ako kaagad ni Queenie at umalis kami ng ospital na wala ako sa sarili. 

Ilang linggo na din akong hindi makausap at hindi lumalabas ng bahay na pinagdalhan sa amin ni Queenie na tinitirhan na muna namin ngayon.. I admit, I am feeling guilty. Sa mga desisyong alam kong nasaktan si Trey at ang hindi pagsasabi sa kanya ng tungkol kay Neo. 

The news about me and Neo were still spreading. Hindi kami umaalis ng bahay at nasa kanya-kanyang kwarto lamang. 

Marie texted me days ago na nakalabas na si Trey ng ospital at dinudumog din ng media na iritado naman nitong itinataboy. Hindi umaalis doon si Marie at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa pinsan nya si Nico? Dahil ba gusto nyang sabihin sa akin ang mga nangyayari doon dahil simula nung kaladkarin ako ni Queenie palabas, hindi ko na sinubukan pang tumapak doon? O mas tamang sabihin na dahil kay Ram?

Wala nang nagparamdam sa akin sa mga kaibigan ko simula nang malaman nila ang tungkol kay Neo.

Naiintindihan ko naman iyon. I didn't tell them about the kid. Normal lang ang galit na nararamdaman nila ngayon. Wala akong lakas ng loob na harapin silang lahat ngayon. 

Katok sa pinto ang nagpatigil sa akin mula sa pagbabaliktanaw sa mga nangyari.

Queenie showed up and smiled.

Nanatili syang nasa tabi ko sa lahat ng sitwasyon. Hindi nya ako iniwan na nakalugmok. Palagi nyang ipinapaalala sa akin na dapat akong tumayo. 

"Are you sure about your decision, Maggy?"

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon