Nakatanaw pa din ako sa papalayong si Frank habang karga-karga si Neo. Nasa tagiliran nya ang dalawa nyang body guard na kasama at dala-dala ang maleta nilang dalawa.
Hindi ako makapaniwala na sasama sa kanya ang bata. Hindi ko nakumbinsi si Neo na sumama sa kanya dahil natatakot daw sya kay Frank but when Frank was the one who talked to the kid, ay agad na nabago ang desisyon ng bata.
I even asked Frank kung anong ginawa nya at bakit bigla na lang nagbago ang desisyon ng bata ng ganun kadali.
"You didn't convince him very well..." yan lng naman ang sagot nya sa akin.
Minsan nga naiisip ko na baka tinakot nya lang si Neo para sumama pero wala namang sinasabi sa akin ang bata na ganun ang ginawa ni Frank. Sa huli nakumbinsi ko na lang din ang sarili ko na baka mas convincing ang powers ng gagong si Frank kesa sa akin kahit alam kong napaka-cliche ng itinanim ko sa isip ko.
Ngayon ang araw ng pag-alis ng dalawa. Nakaleave sa trabaho si Frank dahil sabi nya ay para kay Neo ang tatlong buwan nila sa abroad. He wants Neo to feel he's not that bad. Ewan ko lang kung makumbinsi nya ang bata sa pakana nyang 'to.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa na naglalakad papalayo dahil tinawag na ng flight nila. Balak ni Frank na sa iba't-ibang bansa nya dalhin si Neo pero unang una nilang pupuntahan tulad ng sinabi nya ay ang Hong Kong Disneyland.
Alam kong hinding hindi ko 'to pagsisisihan lalo pa at nabanaag ko sa mukha ni Neo ang galak habang kinukwento ni Frank kung ano ang makikita nya doon.
Lumingon sa akin si Neo at nginitian ako ng matamis saka kumaway. Napatigil si Frank sa paglalakad at lumingon na din. I smiled. I can't read what's running on his mind this time.
Nilipat nya ang tingin nya kay Neo na karga karga nya. Napawi ang ngiti ko ng halikan nya si Neo sa gilid ng ulo. Mukhang hindi yun napansin ng anak ko dahil ngising ngisi sya sa akin.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad at ilang sandali pa ay nawala na sila sa paningin ko.
Napatingin ako sa kalangitan. I just hope everything will turn out very well. Sana nga ay ito na ang simula.
"Maggy?"
Natigilan ako at napalingon. Namangha ako ng makita kung sinong nasa likuran ko na nagtanggal ng aviators na suot.
Kitang kita kong nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ako.
Pinagmasdan ako ng babaeng nakanganga sa harapan ko. Ganun din ako sa kanya. Mas lalo syang gumanda ngayon!
"Bri!" Masayang saad ko bago ako kumilos para yakapin sya.
Tatawa tawa kaming dalawa habang magkayakap. Pakiramdam ko makikita na ang lalamunan ko sa laki ng ngisi ko dahil sobrang sayang makita si Brittany ngayon after so many years! God! I wonder where is Myeisha this time!
"Oh my God! Hindi ko akalain na ikaw nga!" pakli ni Brittany na may kasama pang pagtalon.
Natatawang pinalo ko sya sa braso dahil sa pagtalon. "Relax! You're pregnant!" pagpapakalma ko sa kanya. Ganito ba ang mga buntis? Napaka-energetic nang Brittany na kasama ko ngayon.
Natatawa naman syang tumigil at pinakatitigan ako. Naconsious ako masyado dahil nakasimpleng dress la g ako at flats. Ang init ng panahon at ramdam kong haggard ang itsura ko ngayon. Nakakahiya!
"God! Hindi ko akalaing makikita kita!'
I chuckled. "Me either. The last time Myeisha and I talked ay nung napag-usapan ang pagpapakasal nila ni Raven. They said you're in London with Nico."
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...