I'll be seeing him again.
Tumingin ako sa bintana. Mayamaya lang ay lalapag na ang eroplanong kinalulunan ko. I smiled.
Ano nga ba ang dahilan ko para magbalik pa? Pangungulila. Iyon lang naman ang alam kong dahilan kaya ako uuwi sa Pilipinas.
Pagkatapos ng nangyari sa pagitan naming dalawa, umaasa akong may babalikan pa ako. Umaasa pa din ako sa hiniling ko noon sa isang bulalakaw.
Lihim akong napangiti ng maalala ko ang alaala na iyon. Napakasaya naming dalawa. Akala ko wala ng hihigit pa sa saya na iyon noon pero ngayon, alam kong meron na.
Pagkalapag ng eroplano ay sumakay kaagad ako sa taxi at iniabot sa kanya ang tarheta na pinaglalagyan ng address nya. Patingin tingin lang ako sa bintana. Namiss ko talaga ang Pilipinas. Ang klima, ang mga tao dito, ang mga kaibigan ko.
Napawi ang ngiti ko ng maalala ang mga kaibigan ko noong kolehiyo. Pinigil kong mapaiyak. Makakasama iyon sa akin. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa din nila ako napapatawad. Pero handa akong gawin ang lahat para lang tanggapin nila ako ulit.
Alam kong hindi nila matanggap ang ginawa ko sa kanya. Kahit ako, sising sisi din ako sa ginawa ko. Naging impyerno ang buhay ko at wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Kundi ang desisyon ko. Akala ko magtutuloy tuloy iyon hanggang sa mag-iba ang pakikitungo sa akin ng asawa ko..
Napangiti ako ng mapait. Alam kong bumawi naman si Frank sa lahat ng ginawa nya sa akin. Inalagaan nya ako at sinamahan sa mga buwan na lugmok na lugmok ako. Gusto ko ding pasalamatan si Tyron dahil sa ginawa nya, sinundan ako ni Trey at ako naman ang susunod sa kanya ngayon.
Nagpapasalamat pa din ako na kahit nalaman ni Frank ang ginawa ko, hindi nya ako sinumbatan. Nagalit sya pero.
kalaunan ay mas pinili nyang manahimik na lang at intindihin ako. Pinigil kong mapaluha. Sya anv nagpilit sa aking bumalik sa Pilipinas. Hindi nya sinabi sa akin ang dahilan pero pinabaunan nya ako ng, 'I guess he know why he left..'
Umalis ako ng bansa nung may mangyari sa mga magulang ko at binawi sila kaagad sa akin. Ilang buwan nga ba akong nawala? Tatlo? Hindi..alam kong mahigit pa iyon sa tatlo.
Kinuha ko ang cellphone ko at napangiti ng makita ang picture naming dalawa, hindi ako sigurado kung anong nagtulak sa akin na gawin ang bagay na iyon pero may nagbubulong sa akin na pagmamahal ang sagot doon.
"Andito na po tayo."
Nginitian ko ang taxi driver bago bumaba. Tiningala ko ang napakalaking building na nasa harapan ko ngayon. Masaya ako at nakaahon sya sa lahat ng pinagdaanan nya. Masaya ako, masayang masaya ako.
Naglakad na ako papasok at hindi pinansin ang guard na parang nakakita ng multo ng makita nya ako. Matagal tagal na din simula ng tumapak ako sa lugar na ito at iyon ay noong nag-aaral pa kami sa kolehiyo. Naalala ko noon na tumatakas pa ako para lang sumama sa kanya at pumayag sa lahat ng gawin at sabihin nya.
Lumapag ang elevator sa ika-walong palapag. Lumapit kaagad ako sa sekretarya nya na napanganga ng makita ako.
"Mrs. Villegas?"
Gusto kong mapangiwi. "Maggy na lang."
Hindi sya sumagot at nakatitig lang sa akin.
"Can I come in? May ginagawa ba ang Sir mo?" tanong ko sa kanya. Umiling sya kaya naman nginitian ko sya saka naglakad at kumatok bago ko pinihit ang seradura.
"Tr--."
Napatigil sya sa ginagawa nya at nilingon ako. Nanlabo ang mga mata ko sa naabutan ko.
BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...
