Chapter 8

154 8 6
                                        

Daytime Firefly

Chapter 8

Mei Santiago POV

Naiwan kaming katingin sa isa’t isa ni Sir. Jake. Halatang nagulat siya sa expresyon ko ngayon, kahit hindi ko nakikita ang itsura ko alam kong namumula ako dahil mainit ang aking mga pisngi.

“NANDITO NA KOOOOOO~!!” lumayo kami sa isa’t isa ng biglaang pumasok si Tito sa kwarto. “Hm? Bakit nakatayo kayong dalawa?” luampit siya dun sa lamesa at tiningnan ang libro ko. “Huh? Wala pa kayong nagagawa.”

“Pinaplano na namin gawin ngayon, sakto lang na dumating ka.”

“Ka…Kaya ko na gawin yan magisa. Kaya sir. pwede ka na po umuwi.” Sabi ko haang kinakamot ang buhok ko.

“Eh?” nagtaka si Sir.

“Ikaw din tito lumabas ka na.” sabi ko habang tinutulak sila papalabas ng kwarto.

“Eh? Ako din?!”

“Basta lumabas na lang kayo, iwanan niyo na ako.” Nang makalabas na sila inintay ko munang tuluyan silang makababa papunta ng sala.

“……” hinawakan ko yung mukha ko at tinakpan ito. Ramdam ko ang mabilis na pagakyat ng init sa pisngi ko. Sigurado ako sobrang pula ko ngayon.

Di nga? Wait? Ako….Sa taong yuon ay may gus―

“―TO?!!” hindi ko na napigilan at sinigaw ko na.

Hindi ko maintindihan. Yuon na ba talaga yun o hindi?

Kasi kapag lumalapit siya sa akin…Paano ko ba to’ sasabihin? Hindi ako mapakali at iba ang pakiramdam ko. At saka hindi ko ramdam ang sarili ko.

Umupo ako sa lapag.

Anong gagawin ko? Ano ba ang dapat kong gawin? Ngayon ko lang naramdaman ang mga bagay na ito…

 

Ikaw, anong nangyari sa mukha mo? Mukha kang nasapak, sobrang laki ng eyebags mo, eww.” nadidiring tanong ni Emily sa akin ng makita niya ako sa locker room.

“Oh, morning.” Matamlay kong sabi. “Sinubukan ko kasing mag-aral kaso hindi ko namalayan umaga na pala.”

“Please lang, huwag mo naman gawin ang mga bagay na hindi mo ginagawa, baka bumagyo niyan. Lalo na’t malapit na yung retreat natin.”

“Retreat??”

“Diba yung binigay sa ating fliers last Friday?”

“Hindi ko pa tinitingnan.”

“………..”

“Isa yung one night and two day trip. Magiistay tayo sa isang lugar na tinatawag nilang mother-nature house! Wow. Sobrang naiinis ako na hindi ka seryosong tao kahit napaka nerd mo.” Inis nitong sabi.

“Ang sakit mo namang magsalita…kahit alam kong totoo ang sinasabi mo….” T_T

“Nakakainis nga lang na kaylangan muna natin magperiodical exam bago to’. At saka nalaman ko na kapag bumagsak ka sa exam hindi ka makakasama sa retreat. Naiintindihan mo ba ko? Isa yung one night at two day trip. It’s a great chance to get close with Adrian.” Ngumiti siya at hinawakan yung balikat ko.

“Tutulungan naman kitang makapasa eh kaya tulungan mo ako ah? <3” sweet nitong sabi pero ang totoo nadudurog na yung balikat ko sa sobrang diin ng paghawak niya dito.

Katulad ng sabi ni Emily pagkauwi namin sa araw na yun dumeretso kami kaagad sa bahay ko.

“Okay, wala tayong palalagpasin na isang segundo. LET’S START!!”

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon