Chapter 41

27 2 0
                                    

Daytime Firefly

Chapter 41

Mei Santiago POV

"Nga pala Ma..."

[Hm? Ano yun?]

"Babalik na po ako diyan."

Nung araw na tumawag si Mama agad akong nagimpake sa maliit na back pack. Nilagay ko dito ang sapat na bilang ng damit na gagamitin ko at ang iba pang mga bagay na kakailanganin ko. Nung paalis na ako ng bahay naalala ko bigla yung sinabi ni mama na sobrang lamig ngayon doon sa Baguio. Kaya naisipan kong magdala ng jacket at ng scarf. Kukunin ko sana ang pink kong scarf pero biglang lumipat ang atensyon ko doon sa scarf na binigay ni Adrian.

Binalik ko yung pink sa kabinet ko at isinuot ang kulay peach na scarf na bigay ni Adrian, pagkatapos, tuluyan na akong umalis ng bahay...

Nung nakasakay na ako ng bus papunta sa Baguio, naisipan kong itext si Tito para hindi siya magalala.

"Tito. Babalik po muna ako sa bahay namin sa Baguio, gusto ko po kasi bisitahin si Mama. Sorry po kung biglaan. Babalik din po ako kaagad...Kaya huwag ka po magalala sa akin. –Mei."

...Babalik ako kaagad... tumingin ako sa labas mula sa bintana ng bus. ...Yuon ang sabi ko pero hindi pa ako sigurado kung gugustuhin ko pang bumalik sa Maynila...

Makalipas ng mahigit pitong oras ng biyahe, hapon na akong nakarating sa Baguio. Pagkadating ko doon agad akong sumakay ng tricycle papunta sa maliit na Bayan kung saan nandoon ang bahay namin. Ang bayan na 'to ay nasa pinaka dulo ng Baguio at halos malapit na rin sa Sagada. Hindi katulad ng Sagada na medyo dumadami na ang turista, ang bayan namin ay nanatiling tago at nahuhuli sa makabagong panahon.

"Wah...grabe sabi ko na nga ba ang hamog ngayon dito." Namamangha kong sabi habang nakatingin sa kalsada na ngayo'y nababalot ng hamog.

Mabuti na lang sinuot ko 'tong scarf.

"Eh? Mei!?" bigla kong narinif ang pangalan ko, kaya lumingon ako at anakita ang isa kong lalaking classmate sa school ko dito dati.

"Jon!" gulat ko ding sigaw ng makita ko siya. Tumakbo siya papalapit sa akin na may malaking ngiti. Si Jon ay isa din sa pinaka matalino sa school. Naalala ko nun siya ang laging second honor tapos ako ang first, lagi siyang nakabuntot sa akin dati kasi hinahangaan daw niya ako. Ewan ko na lang kapag nalaman niya na wala na ako sa honor ngayon at halos bumagsak ako sa mga grades ko.

"Grabe, long time no see! Pero bakit biglaan naman?" nagtataka niyang tanong habang nakangiti pa din.

"Bumalik na kasi si Mama kaya..."

"Ah, ganun ba? Pero...ibig sabihin bakasyon pa din sa inyo sa Maynila?" bigla akong kinabahan ng sabihin niya ito. Jon ang totoo niyan umabsent lang ako, hindi ko naman pwede sabihin yun.

Mukhang nagiintay siya ng sagot kaya sinabi ko na lang ang unang pumasok sa isip ko, "Ano...ano kasi...may parang city holiday sila doon...parang ganun..."

"Ganun ba? Buti pa kayao!" naiingit niyang sabi. Mabuti na lang medyo slow siya.

"Ah! Edi kung ganun, bakit hindi ka bumisita sa school bukas?"

"Pero..."

"Okay lang! Sigurado ako gusto ka din makita nung iba nating classmates. Sige na!" tiningnan niya yung orasan niya. "Naku kaylangan ko na pala umuwi, sige, susunduin kita bukas ah!" bago pa ako makatanggi nakatakbo na siya papalayo at tuluyan ng umalis.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon