Chapter 38

38 2 0
                                    

Daytime Firefly

Chapter 38

Emily Mendez POV

Sikat sa mga lalaki.

Pinakamaganda sa mga babae.

Maiingit man kayo o hinde, I was already like this ever since I was born in the this world. And I have full control over my own world. And that world rotates through my heart.

Yuon ang akala ko...

{Several years ago}

"Emily, tinatawag ka ni Ryan. Pumunta ka daw sa may rooftop ng school." Sigaw nung isa kong lalaking classmate na nakadungaw sa pintuan. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti na nagpapula sa kanyang mukha.

"Sorry ah, mamaya na lang tayo magusap." Sabi ko sa mga "kaibigan" kong mga babae na nakikipag kwentuhan sa akin.

Like he said, I went to the rooftop. And there, I saw Ryan with a determined and blushing face.

"Gusto mo daw ako kausapin?" nagtataka kong tanong habang may cute pa ding ngiti.

"Ano kasi...gusto ko sabihin sa'yo na...may gusto ako sa'yo. Sa tingin ko ang cute mo at ikaw Emily ang laging kumikinang sa lahat. Saka lagi ka pang nakangiti. Yun ang gusto ko sa'yo." Pagkatapos niya sabihin sa akin yung first sentence nawala na yung ngiti sa mukha ko at napaltan ng isang bored na expression.

"Kaya kung gusto mo okay lang ba kung maging tayo?" nahihiya niyang tanong habang nakatingin sa lapag.

Etong lalaking 'to...

"Sorry." Tumingin siya sa akin at agad kong binalik ang pagarte ko na inosenteng babae. "Hindi pa kasi ako interisado sa mga ganyang bagay ngayon. Pero masaya ako sa feelings mo. Salamat."

...Ano bang alam niya sa akin?

"Ang tanga talaga nung Ryan na yun, no? Ang ganda-ganda mo kaya Emi, hindi siya bagay sa'yo." Sabi nung isa sa mga classmate kong babae na para bang alam niya ang lahat.

"Huwag niyong sabihin yan. Masaya talaga ako sa feelings niya."

"Masyado ka lang mabait Emi."

"Hindi ah."

"Tigilan mo nga yan, ayoko sa'yo kapag masyado kang humble." Inis nitong sabi at nagtawanan kaming lahat. Pero ang totoo niyan wala naman talaga akong pakielam kung ano ang tingin nila sa akin.

Simula nung bata pa lang ako lagi na akong sikat at cute sa paningin ng lahat. Pero hindi ibig sabihin nun na wala na akong ibang pinoproblema. There's a downside on being popular and pretty too. And that's, people can easily spot you.

Kahit hindi mo gugustuhin lalapitan ka nila at kakausapin.

Minsan hinihiling ko na sana natatago ko yung sarili kahit keylan ko gusto, parang isang pusa.

Tulad na lang nung nangyari sa akin ng isang beses nung Grade 6 ako...

SLAP! Isang malakas na sampal ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng classroom.

"Grabe ka! Bakit nagtext ang boyfriend ko sa'yo Emi?" galit na sigaw nung classmate ko na laging nakabuntot sa akin.

"Uy, teka lang. Huminahon ka muna..." pilit silang nilalayo siya sa akin.

"Kung gusto niyo ng pruweba, meron ako dito!"

Ang sakit... sabi ko habang hawak ang namumula kong pisngi na sinampal niya.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon