Chapter 40

33 2 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 40

Mei Santiago POV

"Paano kung sinabi ko na titigil na ako sa pagtuturo, anong gagawin mo?"

"Eh? Bakit biglaan mo na lang tinatanong yan?" nagsimula akong mataranta. "Bakit gusto mong tumigil? Saan ka pupunta? Sa...sasama ako sa'yo!" desperado kong sinigaw sa kanya.

Hindi siya nagsalita o tumingin man ng deretso sa mga mata ko. Bawat segundo na lumilipas nakakaramdam ako ng mas matinding takot.

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto pero agad din itong sinira ni Sir. nang tumawa siya ng malakas.

"Hahaha! Sorry, sorry. Nagbibiro lang ako. I'm not going to quit, sorry to disappoint you." Pabiro niyang sabi habang nakangiti at nakatingin sa akin. Pero ang ngiti na yun ay...hindi ko kinatuwa...

Bakit pinapakita na naman niya sa akin yang ngiti na yan? Akala ko ba okay na ang lahat...

"Anyway, before lunch break ends, there's something I want to ask...Why..." tumingin siya sa lapag at nawala na ang ngiti sa mukha niya. "Why don'r we just quit 'it'?"

"..." mas lalong tumibok ng mabilis ang puso ko. Para bang tumatakbo ako at nawawalan ako ng hininga. "Ano...pong 'it'?"

"Bumalik na tayo sa dati. Bumalik na tayo sa pagiging isang normal na teacher at student." Pagkasabi niya nun wala na akong nagawa kundi titigan na lang siya.

Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to? Bakit niya kaylangan sabihin sa akin ang mga 'to? Bakit niya biglang sinasabi sa akin ang lahat ng 'to ngayon?

"Sir...a-ano po bang pinagsasabi mo...hindi ko po maintindihan. Pwede mo po bang ipaliwanag sa akin?" ang boses na lumalabas sa aking bibig ay parang hangin na lang. Hindi ako makapagsalita, ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis nakakaramdam na ako ng matinding sakit.

"I might be wrong but that time you said you love me, I think you didn't really mean 'love,' you just 'adored' me." paliwanag niya sa akin na para bang isang lesson sa klase niya.

Ano ba 'to? Ano bang pinagsasabi niya...

Bakit parang...

"Sigurado ako may ibang tao na mahal mo talaga at yung tao na yun...ay hindi ako."

...parang sinasabi niya na, "tapos na ang lahat."

Bawat pagbitaw niya ng mga salita nararamdaman ko ang mabigat at mabilis na pagtibok ng aking puso. At sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, alam ko na may namumuo ng mga kulay itim at makakapal na ulap sa harapan ko.

Pero hindi ako susuko at sisiguraduhin kong maniniwala siya sa pagmamahal ko.

Tumingin ako kay Sir. at sinabi sa nangingig na boses, "Ma-mahal kita Sir...bakit...kaylangan mo sabihin ang mga bagay na yan?"

Tiningnan niya ako ng saglit sa mata pero agad ding binalik ito sa lapag.

"Kung 'mahal' mo talaga ako, hindi kangingiti kapag malungkot ka, hindi mo sasabihin na sasama ka sa akin pag tumigil ako sa pagtuturo, at hindi mo itatago ang birthday mo sa akin."

Teka lang...

"I think that's not a description of love as far as I know."

Hindi...

Wala na akong makita kundi kadiliman. Pakiramdam ko bumabalik ako sa unang araw na nagkita kami ni Sir.

Hindi pwede...

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon