Chapter 28

57 1 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 28

Mei Santiago POV

Ano ba yan. Pati si Adrian...nanlamig na din sa akin. Inis kong sabi habang naglalakad sa hallway.

"Bakit hindi ka na lang manood ng stage play ni Emily? Hindi mo naman kaylangan ng kasama pag manonood ka, diba?"

Bakit ba kasi umasa pa ako?

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa labas kung saan nagsasaya yung mga tao.

Bakit ba ako galit? Ang gusto ko lang naman ay sumaya 'tong festival eh.

Nang dumating na yung oras ng break time ko nagsorry sa akin si Mary at Lucy dahil daw hindi nila ako masasamahan at ang tangi kong sinabi ay:

"No prob. Salamat. Sige, mageenjoy na ako, magisa." Sabi ko habang nakaway sa kanila at naglalakad na paalis.

***

"Salamat sa pagbili." Sabi nung tindera pagkatapos ko bumili ng pagkain. Tama, pinasaya ko na lang ang sarili ko sa pag bili ng pagkain. Isang sandwich, isang empanada, isang cotton candy, at isang plastic ng takoyaki, yuon ang mga bnili ako.

Grabe, ang daming pagkain dito na ngayon ko lang makakain. Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad at nakain.

Habang tumitingin sa paligid nagulat ako na makita si Sir. pero ng lumingon ito hindi pala siya.

"..." tiningnan ko yung mga pagkain na buhat ko at saka kumulo yung tiyan ko ng malakas kaya mabilis ko itong nilantakan. Wala na akong pake kung tinitingnan ako ng ibang tao.

Tama, wala na akong pake kung mag-isa ako. Kahit magisa ako pwede pa din ako mag enjoy! Magiging okay lang ang lahat.

Magiging okay lang ako...magisa...

Emily Mendez POV

Ilang oras na lang magsisimula na ang play pero nandito pa din ako sa likod ng school at nagiintay.

"...." Huminga ako ng malalim.

Mag relax ka nga Emily! Pero mas matindi pa yung kaba ko kumpara nung sumali ako sa pageant ng isang mall.

"Gusto mo makipag usap?"

GYAAAAAAAAAAAAAAH! Ayan na siya! Naka butler suit pa. halos atakihin ako sa puso ng malaman kong nandito na siya.

"Ah...ano kasi...So-sorry kung bigla na lang kita pinatawag. Ano kasi...um...ano.......kasi...gu-gusto." Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko.

"...." Halatang nagulat siya sa mga binitawan kong salita. Nang makita ko yung expresyon niya agad akong nataranta at nasabi:

"Ang ibig kong sabihin...yung kaibigan ko! Tama, yung kaibigan ko ang may gusto sa'yo!! Sinabi niya sa akin na sobrang gusto ka daw niya, Adrian at sinabi din niya na sabihin ko daw sa'yo. Seryoso, yuon lang talaga!"

"...I appreciate your friend's feelings, but honestly, a person who ask someone to convey her feelings is the worst." Seryoso niyang sabi habang kinakamot yung ulo niya. "That's all."

Hindi ko namalayan nagumpisa na pala siyang maglakad papalayo.

Aalis na siya...teka lang...

"Teka lang!" kinuha ko ang lakas ng loob ko at tinawag siya. Huminto siya at lumingon sa akin.

"What is it?"

"...A-ang totoo niyan―!"

Jayvee Reyes POV

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon