Chapter 30

48 1 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 30

Mei Santiago POV

Pagkatapos namin magkita ni Sir. kanina hindi ko nakuhang kausapin siya dahil hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. At hindi nagtagal nakita din ako ni Lucy. Hindi niya napansin si Sir. kaya hinila na niya ako papalayo.

Hindi kami nagkaroon ng maayos na good bye sa isa't isa pero alam kong nakatingin si Sir. sa akin habang hila-hila ako ni Lucy. Sa hiya ko hindi ko na nakuhang lumingon para siguraduhin.

Gabi na din natapos ang buong event. Pagkauwi ko sa bahay dumeretso ako kaagad sa kwarto ko. At nung matapos na akong kumain ng dinner naisipan kong maligo.

Habang naka lubog ako sa bath tub muli kong naalala yung sinabi ni Sir.

"Every time that I'm with you I feel happy. You were also like a firefly shining in daytime."

Tuwing naaalala ko yung pangyayari na yun, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung nananaginip lang ba ako o hindi.

Tiningnan ko yung kesame at naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko.

Sana mag umaga na. Para makita ko na ulit si Sir. at alamin ng mabuti kung panaginip lang ang lahat.

Kaya, please, maging umaga na sana.

Eto ang unang na ma excite ako na pumasok sa shool.

Pero papaano ko siya makikita ng nakatingin sa kanya ng deretso?

~*~

Bata pa lang ako, ako na ang laging first honor sa school. At dahil nasa isang maliit na bayan lang kami sa may Sagada nakatira, kakaunti lang ang mga tao doon.

Pare-parehon tao, pare-parehong lugar, pare-parehong lessons, dun umiikot ang buhay ko hanggang sa maging first year highschool ako.

Para sa mga studyante na kasing idad ko, isa akong ice woman. Wala akong ginawa kundi mag-aral ng mag-aral. Sabi na sa akin na ang lahat; matalino, maganda (kahit hindi ako mahilig mag ayos), at marami pang iba na magagandang katangian.

Yuon ang akala nila pero ang walang totoo sa mga yun.

Kaya mataas ang grade ko dahil wala akong ginawa kundi magbasa ng mga libro, doon naman sa maganda, nagkataon lang na naka ayos ako sa mga oras na yun.

At saka...may isa akong bagay na hindi maintindihan...

Yuon ay ang pag-ibig.

"Mei, Mei, gusto mo ba sumama? Pupunta kami sa bayan, niyaya kasi kami ng ate ko sa group date nila."

"Sorry, pero meron pa kasi akong aaralin sa Math eh."

"Nanaman? Mei, pang ilang yaya na namin 'to sa'yo. Magpahinga ka naman hindi yung aral ka ng aral. Hay, bahala ka na nga sa buhay mo."

Wala akong pakielam kung magalit sila sa akin basta ang sa akin lang matapos na ang highschool ko para makapag college na ako.

Natupad naman yung hiling ko pero nagbago ang takbo ng buhay ko nang nagdesisyon ang mga magulang ko na lumipat ako sa Maynila kasama ng tito Kisei ko.

At doon na nagsimulang umikot ang nahinto kong mundo.

Nakilala ko si Adrian, si Emily, si Mary at Lucy. Pati na din sina Saru, Luke, at kuya Jayvee.

Pero ang pinaka nagpaikot ng mundo ko ay ang isang weird at matakaw na lalaki. Si Sir. Jake.

"Let me show you something." Nagsimula sa isang after-school tutor sa isang tagong lugar sa library. Tinuruan niya ako kung paano makipag kaibigan at hindi ko namalayan may namumuo na pal dito sa puso ko na magpapasaya at magpapalungkto sa akin.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon