Daytime Firefly
Chapter 21
Mei Santiago POV
Ilang araw na rin ang lumipas pagkatapos nung Halloween party kung saan sobrang daming bagay ang nangyari sa akin.
Sa isang araw na yun naramdaman ko ang iba't ibang klase ng mga emosyon. Pero kahit sa isang araw lang lahat nangyari yun hindi ibig sabihin nun na isang araw lang din ang kaylangan ko para makalimutan ang sakit na naramdaman ko.
"Huh? Nakita mo Emi si Adrian pagkatapos nung Halloween party??" gulat kong tanong sa kanya. Nasa isang convinience store kami ngayon ni Emily at nakain.
"Oo. Hinahanap ko kayo nun tapos ayun...nagkita kami..."
"Wabe, wibowawabain wabwiwib wayo wa wawi ng wao." Sabi ko habang nanguya ng pagkain.
(Grabe, hindi ko aakalaing magkikita kayo sa dami ng tao.)
"Pwedeng tumigil ka sa pagkain habang nagsasalita?" inis niyang sabi habang nakatingin sa akin ng masama at nakalumbaba.
"Sowwy, sowwy." Nilunok ko yung pagkain. "Kinausap mo ba siya o ano?"
"....Hindi naman. Its nothing special, hindi ko siya ganun kinausap." Kinuwento niya sa akin yung nangyari.
Pagkatapos namin magkita nagtitigan lang kami pero mabilis in niya akong dinedma.
".....Ah!" pagkasabi ko nun tumigil siya sa paglalakad tapos tumingin sa akin. "...." Naiwang nakabukas yung bibig ko kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Nung naisip ko na pumalpak naman.
"See ya." Masungit kong sabi.
ARRRRRRGH!! Tanga! Tanga!! Ano bang sinasabi ko??
"See ya." Nagulat ako ng sumagot siya pero nung tumingin ako sa kanya naglalakad na siya papalayo.
Pagkatapos niya ikuwento sa akin yung nangyari, tinakpan niya yung mukha niya at sinabi, "ARRGH!! Bakit ko ba siya kinausap ng parang siga sa kanto??!!"
"..." tiningnan ko siya habang nakain.
"Setting that aside, eh ikaw?"
"Hm?"
"Tungkol kay Sir. Hindi ka pa nakakagetover sa kanya, diba?"
"Ah..." naalala ko yung araw nung halloween party kung saan kasama niya si Ate Janet. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain at walang pake kong sinabi, "Mukhang nakipag balikan na siya kay Ate Janet."
"HUH?!" napatayo siya sa upuan niya kaya agad namang napatingin sa amin yung mga tao sa paligid namin. "Ikaw...SIGURADO KA BA DIYAN?!"
"Siguro. Nakita ko silang magkasama nung Halloween party."
"That damn Bitch! Ang pangit ni sir. mamili ng babae!! Pero hindi ko magets kung paano ka nagiging kalmado ng ganeto." Umupo na ulit siya sa upuan niya at tumingin sa akin. Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kesame.
"Hindi naman sa ganun...sa totoo lang nagulat ako. Paano ko ba 'to sasabihin? Para bang masyado ng mataas sa akin yun para isipin pa, para bang hindi ko rin naman maayos. At saka baka mabuti na rin 'to para maka get over sa kanya. Basta, magiging alon na lang ako (go with the flow). Yun ang nararamdaman ko ngayon."
"Ikaw...mas naging malakas ka na huh?"
"Mas malakas ka din, Emi."
"Hahaha." Tumawa siya na halatang pilit o para bang nagbabanta na huwag ko ng ituloy pa ang mga sasabihin ko. Katakot. ;_;
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
