Daytime Firefly
Chapter 2
Mei Santiago POV
Simula ng umalis ako sa probinsya, meron akong mga bagay na nalaman.
Masarap ang pagkain kahit saan ka kumain.
Lahat ng lugar ay may signal ng cellphone.
Ang ibang mga babae kung makasuot ng shorts kulang na lang makita na ang kaloob-looban.
.
.
.
At ang malaking city na ito maliit lang pala.
“That’s why please get along with miss Santiago.” Sabi ni sir. Jake.
“Nice to meet you all…” malamya kong sabi.
I’m currently emmiting some black aura.
Etong taong to…Kung makaasta parang akala mo walang nangyari…
Naalala ko yung nangyari kanina sa akin. Mga ilang minuto bago ako pumasok sa aking classroom.
“Ba-bakit ka nandito? Anong klaseng outfit yan?” naguguluhan kong tanong kasi sobrang ayos niya ngayon.
“Hm? Katulad ng nakikita mo diba? Isa akong teacher. I’m already 23 years old. At saka alam ko kung paano ihiwalay ang public sa private matters.”
“Tea-teacher…A-akala ko syota ka ni Tito.”
“Haha, ang lakas mong sabihin yan. Pero nagkakamali ka.” ^_^
“At balita ko sa dati mong school lagi kang absent. Kung uulitin mo yuon dito hindi ka makakaalis sa second year mo. At saka tawagin mo akong sir and also don’t talk to me too casually.”
Wha-…
At ngayon eto ako hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
Anong klaseng lalaki ito?! Sobrang iba siya sa kahapon.
“Ah. Pwede ka umupo sa tabi ni Adrian doon sa pinaka dulo malapit sa bintana.” Tinuro niya yung bakanteng upuan sa tabi ng isang lalaki na nagmumusic. Yung itsura niya parang walang pake sa mundo.
Wo-woah…Sobrang immersed siya sa music niya. Okay lang ba yan?
“Okay bumaba na kayo at maguumpisa na ang flag ceremony.” Nagsimula na siya maglakad paalis ng classroom kaso…
“Sir. Jake!” pinigilan siya ng dalawang babae.
“Hm? Ano yun?”
“Sir. hindi po kasi namin maintindihan ito, meron kasi kaming quiz mamaya.” Pinakita nung isang babae ang notebook niya.
“Saan?”
“Eto oh.” Halatang kinikilig yung dalawang babae, namumula yung mukha nila eh.
Hmm…so sikat pala siya. Suguro dahil bata pa siya.
Lumabas ako ng classroom at dumeretso sa library.
Hindi na lang ako aatend ng flag ceremony. Mas maiging tumambay na lang ako dito sa library.
Pagkapasok ko sa library walang tao doon kahit ang librarian wala. Naisipan ko na lang magbasa ng libro.
Nagbasa ako ng nagbasa hanggang sa hindi ko namalayan kanina pa palang tapos ang flag ceremony. Hindi sana ako babalik kaso naalala ko yung sabi ni Sir.
![](https://img.wattpad.com/cover/29663151-288-k168610.jpg)
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomansaSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...