Daytime Firefly
Chapter 32
Mei Santiago POV
"Mai Mai?
HOMIGAD! O_O|||
Mga ilang minuto din akong natulala nung makita ko si Sir. Pero bumalik din yung kaluluha ko ng magsimula na ulit siyang magsalita.
"Sabi ko na nga ba parang may kakaiba eh." sabi ni Sir. habang nakangiti at sinisindihan yung sigarilyo niya.
"Hindi po...ano...naisipan ko lang na matutuong makisilamuha sa ibang tao. Wala akong ibang intensyon, promise po." Nahihiya kong sabi. Sigurdao ako halatang-halata na nagsisinungaling ako.
Napansin kong nakatingin siya dun sa kamay ko na kakalagay ko lang ng band-aid.
"Well, if you really have no other intention then I'll shut my mouth. But if this has something to do with buying me a gift...I can't say that I'm happy with that." Seryoso niyang sabi habang nakatingin dun sa umuusok niyang sigarilyo.
Anong ibig niyang sabihin...
"Alam kong sinabi ko na aabangan ko yung birthday ko pero kung nasasaktan ka dahil dun I think I wouldn't be that happy. Kaya hindi mo na kaylangan gawin ang mga walang kwentang bagay na 'to. I'm happy enough with just your feelings and company. Okay?" kahit nakangiti siya nung sinabi niya ito alam kong seryoso siya kaya hindi na ako nakasagot.
"Anong pinaguusapan niyo?" biglang tanong ni Tito.
"Eh? Tungkol sa school hahaha!" medyo nataranta bugla si Sir. pero hindi niya ito pinahalata kay Tito.
Sa tingin ko...hindi naman ito walang kwenta...
Ang tanging gusto ko lang naman ay i-celebrate ang birthday niya at makita siyang ngumiti...
In the end wala talagang nasusunod sa mga pinaplano ko.
Kahit ayoko sinunod ko pa din ang sinabi ni Sir. at tumigil na sa pagtatrabaho sa café ni Tito. Lumipas ang araw at hindi ko namalayan isang araw na lang pala birthday na ni Sir.
Nung Thursday, December 10, nakatanggap ako ng text galing kay Lucy.
Text:
From: Lucy
Subject: Sir's b-day!
Uy! Mei, bukas na yung Birthday ni Sir., diba? Naisip namin ni Luke na i-celebrate yun tom. ng uiwan. Para bang surprise party. Na text ko na din ung iba nating classmate. Kya magdala ka ng food to share ah ^_^ saka kung may extra money ka magdala ka na din ng gift! <^0^>
~*~
"Okay, lahat ba kayo nagdala ng food to share?" masayang tanong ni Lucy.
"Nagdala kami!" sigaw nilang lahat.
"Ako yung nagdala ng cake!" mayabang na sabi naman ni Luke habang hawak-hawak yung box ng cake. Sobrang excited talaga silang lahat na mapasaya si Sir., samantalang ako sarili ko lang na kaligayahan ng iniisip ko.
Ang sama ko talaga...
"Okay, ready na tayong lahat, sinong gusto tumawag kay Sir.?"
"Yes, kami ni Mei ang tatawag sa kan'ya." Pagpiprisinta ni Emily habang suot-suot na naman ang peke niyang ngiti. Alam kong may pinaplano na naman 'to.
...No choice kundi sundin na lang siya.
"So? Anonng nangyari at chips lang yung dala mo? Akala ko ba nag part-time ka. Hindi ba i-se-celebrate niyong dalawa yung birthday niya?"
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
