Daytime Firefly
Chapter 35
Mei Santiago POV
Lumipas ang araw at dumating na din ang oras para ibalik sa amin ang mga test papers namin galing sa exam kahapon.
"Okay, ibabalik ko na sa inyo yung test papers niyo." Sabi nung teacher namin sa English. Inumpisahan na niya ang pagbanggit ng mga pangalan namin. "...Santiago Mei."
Pagkakita ko dun sa score ko natulala na lang ako.
"Mei~ Anong score mo?" masayang tanong ni Lucy. "Pumasa ako ngayon!" pinakita niya sa akin yung test paper niya na may score na 82 over 100. Ang passing grade kasi ay 80 at ang score ko ay...
Pinakita ko sa kanila yung test paper.
"100?!" gulat na sigaw nilang tatlo. "Pero papaano nangyari yun?" namamanghang tanong ni Mary.
"Hi-hindi ko alam...Emily, ikaw ilan ka?" humarap ako kay Emily na ngayo'y nakakunot na yung noo.
"100 minus two." Halatang naiinis siya kaya hindi na ako nakapagsalita.
"OKAY! Hayaan na natin ang mamaw na si Mei at pagusapan naman natin ang event bukas!" sigaw ni Lucy habang nakataas ang dalawang kamay.
Mamaw T^T Wait...anong event?
"Anong meron bukas?" nagtataka kong tanong.
"Bakasyon na!! Nakalimutan mo ba? Naisipan namin na magkaroon tayo ng Christmas party. Magbabakasyon kasi yung mga magulang ni Mary bukas kaya bakit hindi natin doon ganapin?"
"Pero hindi ganun kalaki yung bahay ko, kung okay lang naman sa inyo." Dagdag ni Mary.
Nakaramdam ako ng excitement. "Parang ang masaya, sama ako."
"Diba? Diba? Ang tagal na naming gusto magkaparty at sa wakas matutuloy na din. Marami pa kaming iimbitahin eh, pwede kang magdala ng food to share mo saka ng regalo mo."
"Si-sige."
Nang mag lunch na niyaya ako ni Emily na pumunta sa c.r.
"Ikaw, huwag mong sabihin sa akin na buong araw kang makikiparty bukas sa bahay ni Mary..." nagtaka ako.
"Yun nga ang gagawin ko, bakit?"
"HAH?! MAKIKIPARTY KA SA BAHAY NG KAIBIGAN MO BUONG ARAW? Tanga ka ba!?"
"Pe-pero..."
"Shut up!" sinarado ko yung bibig ko.
T_T Dahil ba 'to sa grades ko??
"Makinig ka! Para sa isang normal girl gugustuhin niyang makasama ang taong gusto niya sa ganetong situation!!" sigaw niya habang nakaturo sa akin. "SAKA!! Diba pinagusapan na natin na aalamin mo kung kayo na ba o hinde?!"
"Ye-yes..."
"Saka, sigurado ako mahirap ng magkita ulit kayo netong bakasyon. Sa closing ceremony na ulit kayo magkikita...Oh, and one more thing, hindi ako makakasama sa party kasi may family reunion kami bukas."
Pagkatapos niya ako sermonan nagdesisyon akong pumunta muna sa library para makapagisip-isip.
Paano ko naman sasabihin sa kanya yun? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa langit mula sa bintana ng library. Pero kung iisipin ko nung pumunta kami sa Amusement park at nung birthday niya lahat yun ay pinilit kong gawin niya.
Namublema kaya siya dahil dun?
"Ah! Speaking of birthday..."
"Sinong kausap mo diyan?"
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
