Chapter 27

37 1 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 27

Mei Santiago POV

Lumipas ang araw at hindi ako nagkaroon ng oras para makausap si Sir. Jake o isipin ang mga sinabi niya nung araw na iyon.

Araw-araw, lahat ng alaala ay nakabaon dito sa puso't isipan namin. Lumipas ang ilang araw at gabi at ganon-ganun na lang, nagumpisa na ang Foundation Day.

"Dito na kayo!" sigaw nung isa sa mga booth.

"Bumili na kayo dito ng cotton candy!" sigaw naman nung isang booth.

"Saan niyo gusto pumunta?" tanong nung isang babae na kasama yung mga kaibigan niya.

"Uy Bro, may maid café dito." Sabi nung lalaki sa kasama niya habang pinapakita yung fliers na hawak niya.

"Puntahan natin."

"Wait lang, Sir. Bakit hindi niyo muna i-try ang cosplay café namin? Pwede rin po kayo magpapicture sa mga cosplayers namin, for only 20 pesos." Sabi ni Luke habang nakangiti at hawak-hawak ang banner ng cosplay café. Naka pirate costume si Luke dahil yuon ang nabunot niya.

"Eh, may cute girls ba kayo?"

"Syempre! Iba't ibang female characters sa mga sikat na video games at anime. Tulad ni Erza Scarlet, Sakura, Akame, Hinata, at iba pa. I'm sure magugustuhan niyo sila kaya pasok na!"

"Sige na nga, wala na mang mawawala eh." sumangayon din yung kasama nung lalaki.

"Oi, may dalawa tayong customer na papasok!" agad na natulala yung dalawang lalaki na makita kaming mga babae.

Pagkapasok nila ngumiti kami at sinigaw, "Welcome!"

"Dito po tayo, Master." Sabi nung classmate ko na naka maid costume.

Salamat sa mga recipe na tinuro ni Tito nakakuha kami ng maraming customers.

Habang nagiikot narinig ko ang usapan nung dalawang babae na customer.

"Oi, tingnan mo siya, hindi ba ang gwapo niya?"

"Oo nga! Sobrang bagay sa kanya yung butler suit." Halatang kinikilig sila habang sinasabi yun. Hinanap ko kung sino yung sinasabihan nila nito at nalaman kong siya pala.

Sabi ko na nga ba eh, si Adrian yung tinutukoy nila.

"Pero bakit kaya puro lalaki lang yung si-ne-serve niya? Huwag mong sabihin..."

Ah, nagkakamali kayo!

"Eh~ hindi naman siguro. Pero kung ganun nga siya, okay lang din sa akin. Tingnan mo kasi, ang gwapo niya!"

Muli kong tiningnan si Adrian na ngayo'y hinuhubad ang long sleeve niyang blazer.

Tama siya, gwapo nga si Adrian sa suot niya ngayon...

"Uh, um, pwede ba kami magpakuha ng piture kasama ka?" kinikilig na tanong nung babae.

"No." inis na sabi ni Adrian doon sa dalawang babae habang nakatingin ng masama sa kanila.

"Eh..." halatang nagulat sila sa reaksyon ni Adrian.

"Ah!" agad ko silang nilapitan. "Excuse me, ma'am. Ang totoo niyan hindi po kasi siya photogenic. Pero kung gusto niyo magpapicture meron po kaming ibang mga cosplayer."

"Ganun ba...sige 'wag na lang..." umalis na silang dalawa. Halatang nainis sila pero hinayaan ko na lang ito. Binigyan ko si Adrian ng isnag thumbs-up pero dinedma lang niya ito.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon