Chapter 52

30 1 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 52

Mei Santiago POV

Talagang amoy sabon pa din si Adrian.

"Good Morning!" masayang bati ni Lucy nang makita niya kami ni Emily sa hallway. Kasama niya si Mary na nakangisi din.

"Lucy, Mary, good morning." Bati ko pabalik sa kanila.

"Ang aga-aga ang ingay-ingay mo na." inis namang sabi ni Emily habang nakatingin ng masama kay Lucy.

"By the way, musta ka Mei? Anong nangyari sa Sunday weekend mo?" kinikilig na tanong ni Mary habang si Lucy naman ang laki din ng ngiti.

"May progress ba? Ayeei, kuwento mo na!" sigaw ni Lucy habang sinisiko ako.

"HUH?!" iniwasan kong tumingin ng deretso sa mata niya. "Wa-wala naman. Naglaro lang kami ng Monopoly saka tumingin ng mga baby pictures ko..." bigla ko naalala yung nangyari kahapon na muntik na niya ako halikan. Nung maalala ko 'to mabilis namang uminit ang aking mga pisngi.

"Talagang naglaro kayo ng Monopoly, kawawa naman si Adrian." malungkot na sabi ni Mary habang sina Lucy at Emily naman ay sumangayon din.

Habang naglalakad kami papunta sa classroom muli kong naalala yung oras na niyakap ko siya, kaya mas lalo tuloy bumilis yung tibok ng puso ko.

Hindi kaya mali na niyakap ko siya? Hindi, hindi! Okay lang yung ginawa ko, eh siya nga hi...hinalikan yung noo ko eh.

"Mei, sa'n ka pupunta?" nagulat ako ng makita kong lumagpas na pala ako sa classroom. Pagkapasok ko dito ang una kong nakita ay si Adrian na kausap ang mga iba naming classmates na lalaki.

...Simula ng matapos ang Christmas break nagpalitan na kami ng seating arrangement kaya hindi ko na katabi si Adrian at si Emily na ang katabi ko habang ang nasa unahan namin ay si Lucy at Mary.

Kaya medyo...nakakalungkot.

"Okay, good morning class!" pumasok na yung bagong adviser namin. Simula din nung nalipat si Sir. Jake sa ibang section dahil sa mga exchange students, hindi na rin sila nagpalit ng bago naming adviser.

"Anong meron?" tanong ko kay Emily.

"Makinig ka na lang..." suplada nitong sagot.

"So, we're now going to decide what we are going to do at the upcoming sports festival this coming Wednesday. Fill up-an niyo na lang 'tong form na ibibigay ko ng mga sports activity na sasalinan niyo." Pagkasabi niya nito nagsimulang magingay ang mga kaklase ko.

Sports Festival?

"Ang sports natin ngayon ay magkakaroon ng three days. Ang 1st day, sa Wednesday ay puro laro sa labas ng school. Sa 2nd day naman, ay puro indoor and ball games at ang 3rd day ay ang awardings na may surprise event sa huli. So, paki asikaso na lang yung mga pipiliin nilang sports activity. Sino ba ang sports committee dito?" mabilis na sumimangot si Emily ng marinig niya 'to. Siya kasi yung sports committee.

"Lucy, Lucy, ano yung sports festival?" tinanong ko sakanya habang pinapakita yung form na binigay.

"Ah, wala ka nga pala dito last year, no? Tuwing sports fest maglalaro tayo ng iba't ibang sports. May track and field, relay, ball games, saka marami pang iba na hindi ko na maalala."

"Hmm..."

May food race kaya?

"Ikaw, nagiisip ka na naman ng pagkain, no?" tanong ni Emily sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon