Daytime Firefly
Chapter 26
Mei Santiago POV
Ang pagpula ng mukha ni Sir, kapag iniisip ko yun...hindi ko magawang hindi ma self-conscious.
Hindi baka kasi mainit lang nung time na yun o kaya naman baka sa ilaw. Pilit kong kinukumbinsi yung sarili ko habang nakaupo sa lapag at iniintay ang paglabas ni Emily sa kwarto kung saan nagaganap ang morning meeting ng mga members ng stage play.
Hindi ko alam kung paano ito sasabihin pero...pakiramdam ko talaga iba yung kinikilos niya kahapon.
Bumalik ang pagiisip ko sa reyalidad ng bumukas yung pintuan ng kwarto. Agad akong tumayo at sinalubong si Emily.
"Ah, Emi, tapos na ba yung meet...ing..."
"HUH?" nagulat ako sa mukha niya. Naglalabas na naman kasi siya ng dark aura tapos parang pusa tupaloy yung mata niya ngayon, nanlilisik.
"A-anong problema?"
"Ah! Mei, anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ni Jayvee habang kinakawayan ako.
Ugh! JAYVEEEE!!!
"Huh? Kilala niyo yung isa't isa?" inis na tanong ni Emily sa akin.
"Ah, ano kasi..."
"Pumunta ka dito para sunduin si Emi? Wow naman, it's nice to have friends."
"Halika na." hinila na ako ni Emily papalayo. Nagtaka ako lalo kasi kahit dinedma na siya ni Emily nakuha pa rin niyang ngumiti.
"Ugh! Pu*ang I*a, nakakainis na talaga yung lalaki na yun!!" galit niyang sabi habang nagpipintura ng isa sa banner namin. "Sabi ko na nga ba may pinaplano sila nung sinabi nilang Rome and Juliet yung play eh."
"Anong sinasabi niya, bakit ano ba talaga yung nangyari?" tanong ni Mary kay Lucy.
"Si Kuya Jayvee ata kasi yung napiling Romeo tapos si Emi naman si Juliet."
"Uwah...totoo pala talaga ang malas."
"Mei kaylangan ko ng tulong mo dito!"
"Ah, sige!" lumapit ako doon sa classmate kong nangiingi ng tulong. Pagkatapos ko siya matulungan napansin ko si Emily na may expresyon na para bang may bumabagabag sa kanya.
Sabi ko na, hindi talaga okay si Emily. Lagi kasi niya sinasarili yung problema niya kaya hindi ko tuloy alam kung okay lang ba siya...
Dahil isang café ang gagawin naming booth kaylangan masarap ang pagkain na ititinda namin at speaking of café si Tito ang maasahan pagdating sa mga bagay na yan.
"And next, maglalagay kayo ng kaunting paminta at asin sa egg mix para magkalasa." Explain ni Tito sa cooking team habang hawak-hawak ang lalagyanan ng paminta at asin.
"Opo!" sigaw nilang lahat. Isa si Lucy sa cooking team.
"Tito, salamat pala sa tulong mo. Pwede na naming gawin yung menu para sa café dahil sa pagturo mo."
"Haha, basta ikaw. Masaya ako na natulungan ko kayo."
"Ah, Sir. tama po ba 'to?"
"Sige, tinatawag na ako ng students ko haha." Lumapit si Tito doon sa babaeng nagtanong sa kanya. Masaya ko silang pinanood.
"Yo." Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko. Lumingon ako para tingnan kung sino. Si Adrian pala.
"O-oh..."
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
