Daytime Firefly
Chapter 53
Jake Santos POV
"Sir. bitawan mo po ko! Sir.!"
"Ayoko."
Ang tanga ko talaga! Ginulo ko yung buhok ko once na naalala ko ulit yung ginawa ko kanina. Sinindihan ko yung sigarilyo ko at tinitigan yung barbeque na in-order ko.
Wala naman akong intensyon na gawin yun...As an adult, this is unnatural, right? But I don't have any resolve to do it all the way. Ano ba ang gusto ko gawin?
"Pwede ba akong umupo dito?"
"Ah, sige―" nung nakita ko kung sino yung nagsalita nagulat ako ng makita ko si Janet.
"I'm back~ your ex-girlfriend is back!" masaya niyang sigaw habang nakangiti.
"JANET? Anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong.
"Grabe ka naman, parang akala mo nakakita ka ng multo. Syempre minsan gusto ko din naman umuwi at magbakasyon. Anyway, musta ka na?"
"Okay lang."
"Napaka boring mo talagang tao. Wala ka bang ikukuwento sa akin na medyo interesting naman? Ah, tama. Anong nangyari sa inyo ni Mei simula nung umalis ako?"
Medyo nagalangan akong sumagot, "Wala...wala naman."
"Sinungaling ka talaga! Anong wala naman? Hindi mo ba alam pinaghirapan ko yung amusement park ticket na yun, sa tingin mo ba't ko binigay sa'yo yun?" inis nitong sabi.
"Its just that, somehow, I'm not really good already...with a lot of things."
"Ngayon mo lang narealize na napaka useless mong tao? Tulad ng pagiging hopeless romantic mo saka torpe?" sabi niya sa akin habang nakangiti habang ako naman nagulat sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Kasi, alam mo Jakey, meron kang ano eh...isang skill. At yun ay kung paano mo sirain ang relasyon mo sa isang tao ng hindi mo namamalayan. Lagi mo kasing iniisip kung ano ba ang dapat mong gawin para hindi ka masaktan tapos yung pride mo lagi ang inuuna mo. Para bang lagi mong iniisip na may masamang mangyayari. Kaya umasta ka ng nagpagulo sa isip ng iba."
Bawat bagsak niya ng mga salita na yun, para bang may bumabagsak sa ulo ko na mga bato.
"Hmmm...." nagpatuloy siya habang nakatingala at nakahawak sa baba niya. "Paano ko ba 'to sasabihin...Ah! Ayun...para ka kasing isang spoiled brat na paikot-ikot lang na parang walang pakielam sa mundo."
Hi-hindi man ako makasagot. Hindi naman siya siguro bumalik para sabihin 'to no?
"Kaya bakit, hindi mo na itapon yang pride mo kahit paminsan-minsan lang?"
Yun ang huli niyang sinabi sa akin at ang pinaka pumtak sa isip ko.
***
I really need to decide what I want to do...properly...This time I'll think about it properly.
Nagulat ako ng pagkabukas ko ng pintuan papunta sa roof top. Ang una-una kong nakita ay si Mai Mai na nakaupo sa lapag at hawak-hawak ang isang bandana.
Nung nagtagpo ang mata naming dalawa pareho kaming nagulat habang siya naman ay agad na tumakbo papunta sa pintuan pero pinigilan ko siya sa pagtawag ng kanyang pangalan.
"Teka lang Mai Mai!" tumigil siya sa pagtakbo at naiwang nakahawak yung kamay niya sa handle ng pintuan. "Tungkol doon sa kahapon..." nanatiling nakaharap ang likod niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
