Daytime Firefly
Chapter 10
Mei Santiago POV
Sana......
Sana ang lahat ng ito ay panaginip lang....at sana habambuhay na lang akong managinip...
Dahil sa panaginip na ito wala akong ibang iniisip kundi ang kaunting amoy ng sigarilyo at ang mahinang pagtibok ng aking puso. Wala na akong ibang iniisip kundi ang nararamdaman ko na hindi ko mapalipaliwanag....
***
Nang magising na ang diwa ko sinimulan ko ng idilat ang mabigat kong mata. Ang bumungad sa akin ay isang babae na may hawak na magazine.
"Ah. Gising ka na pala, sa wakas. Seven hours ka ng natutulog ng parang patay."
Sinubukan kong umupo sa kama at pinagmasdan ko kung na saan ako. "Eto ay...hindi..."
"Tulog ka pa ata eh. Di' mo ba natatandaan na naligaw ka..."
Ah, tama, naligaw ako sa gubat kasama si Adrian.
At...
Niligtas na naman ako ni Sir. Jake.
"Ikaw...kayo ba ni Sir. Jake?" Halos matumba ako sa kama ng deretso niyang tinanong ito sa akin.
"Ba-Bakit mo naman natanong yan??" natataranta at nahihiya kong tanong.
"Kasi parang ang close niyo sa isa't isa tapos tinatawag ka pa niya sa nickname mo, na hindi mo naman pangalan..."
"A-ano lang kasi regular siya sa bar ng Tito ko. Walang namamagitan sa aming da-dalawa..." utal-utal kong sagot.
Napatakip siya sa bibig niya na para bang alam na niya yung sagot.
"Ohh, alam ko na! So in love ka kay Sir. Jake. Siya pala ang type mo ah." This time nahulog na talaga ako sa kama. Umakyat ulit ako sa kama at naramdaman ko rin ang pagakyat ng init sa pisngi ko. Sigurado ako namumula ako ngayon.
"Hi-hi-hin―" bago pa ako makasagot nagsalita ulit siya.
"Hindi mo na matatago sa akin, kitang-kita ko na sa isang tingin pa lang kasi nakasulat sa buong mukha mo." Nagulat ako sa sinabi niya. "Last week pa lang I knew that there was something going on woth you all of a sudden. Pero paano napunta ang lahat sa ganun? I mean, when did things start to turn that way?" tumayo siya at lumapit sa pintuan.
"........Kasi...kahit isipin ko wala akong mahanap na sagot..." mahina kong sabi habang nakatingin sa kumot na nakapulupot sa katawan ko ngayon. "Pag-ibig o mga bagay na katulad nun...wala akong alam sa mga ganetong bagay."
Ang isip ko ay nananatiling magulo at hanggang ngayon wala pa rin akong makuhang deretsong sagot...
"Tanga ka ba? Wala ka talagang makukuhang sagot kahit magisip ka ng magisip. Hindi yan english o math. Hindi niyan kaylangan ng maraming dahilan. Mas mapapansin mo yan kapag katabi mo ang tao na yun." Binuksan na niya ang pinto, handa ng umalis.
"Sige na pupunta pa ako sa campfire." Bago umalis may paalala siyang sinabi. "At saka....bakit hindi mo itanong sa iba ang mga bagay na yan imbis na tinatago mo lang sa sarili mo?" tanong niya habang nakaharap ang kanyang likod sa akin.
Doon ko narealize kung ano ang gusto niya ipahiwatig sa akin. Na umasa ako sa kanya minsan dahil ganun naman talaga kapag magkaibigan ang dalawang tao.
"E-Emi! Salamat...sobrang dami na ng ginawa mo para sa akin..."
"...Wala yun." Pagkasabi niya nun tuluyan na siyang umalis ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
Roman d'amourSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
