Chapter 18

77 3 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 18

Mei Santiago POV

Ang mahinang tunog ng mga studyanteng nagtatawanan at nagtatakbuhan. Tunog ng pagpito ng isang coach o kaya naman ang tunog ng ibon na lumilipad sa mainit na hapon.

Ang mahinang tunog ng hininga ng isang lalaki at bumibilis na tibok ng puso ng isang babae. Ang amoy ng sabon na may halong pabango. Ang amoy ng natapon na kape.

Ang mainit at mahigpit na yakap...

Ang lahat ng ito ay ang naging dahilan para tumigil ang aking mundo.

A-Anong nangyayari? Tanong ko sa sarili ko habang hindi makagalaw dahil mahigpit na nakayakap si Adrian sa akin.

"Ikaw..." nagsimula siyang magsalita. Ramdam ko ang hininga niya na kaunting dumadampi sa aking pisngi. "Ginagalit mo ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Nakakainis dahil wala kang gusto sa akin at nakakainis dahil nagkagusto ka sa isang tao na wala na mang gusto sa'yo. Nakakainis dahil bigla ka na lang tumigil sa pagiyak.

"Pero...ang pinaka nakakainis ay wala akong magawa kahit kapag umiiyak ka na." inalis niya ang pagkayakap sa akin at tiningnan ako ng deretso sa mata. Sobrang pula ng mukha niya. "Mas maganda kung ako na lang ang magustuhan mo."

Wala akong nagawa kundi titigan ang kanyang mga mata.

Anong gagawin ko? Hindi ako makahinga.

Natauhan ako ng bigla kong marinig ang tunog ng mga taong naglalakad.

"Ah...ano...Sorry...Kaylangan ko na umuwi!" mahina ko siyang tinulak papalayo at pagka kawala ko sa yakap niya agad akong tumakbo papalayo.

***

Tumakbo ako...sabi ko sa sarili ko na nakaupo ngayon sa lapag ng kwarto ko at nakasandal sa pader, malapit sa may pintuan.

"Mas maganda kung ako na lang ang magustuhan mo."

Parang naging ibang tao si Adrian. Parang mas naging lalaki siya...

. =_=

. O_O

. >_<

ARRRGH!!! Alangan matagal na siyang lalaki, ano kaba!! (///>_<///) sabi ko sa sarili ko habang ginugulo yung buhok ko.

Kasi naman, sa dami-dami ng araw bakit ngayon pa?? Ano ba 'to!! Nagpagulong-gulong ako sa lapag. Ang gulo na ng isip ko!!

Tumigil ako sa pagulong at tiningnan ang kesame ng kwarto ko.

Pero ang pinaka una kong dapat gawin ay maayos na sabihin kay Adrian... napatigil ako sa pagiisip ng maalala ko yung sinabi ni Sir.

"Thank you at Sorry."

Nakaramdam ako ng matinding sakit sa hindi malaman na parte ng aking katawan.

Simula sa umpisa pa lang naman alam ko na papalpak ang lahat ng plinano ko...

Ganeto rin kaya ang nararamdaman ni Sir, kanina? Nagsimulang sumakit ang lalamunan ko, para bang may lalabas na namang luha sa mata ko.

Hindi pwede 'to. Kapag magisa ako maaalala ko na naman...Biglang may kumatok sa pintuan at narinig kong magsalita si Tito.

"Mei, nandito yung mga kaibigan mo."

"Eh?" bumaba ako kaagad papunta sa pintuan ng bahay namin at pagkabukas ko ng pintuan bumungad sa akin sina Mary, Lucy at Emi. "A-anong ginagawa niyo lahat dito?"

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon