Chapter 19

56 3 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 19

Mei Santiago POV

Nareject kaming dalawa ni Emily.

Nasasaktan ng nasasaktan.

Hindi naman nageexist ang pag-ibig na walang nasasaktan, diba?

Sobrang daming nangyari ngayong araw na ito at sigurado ako madadagdagan pa ito.

Eto na siguro ang pinaka mahabang araw sa buhay ko...

***

Mga batang nagtatakbuhan sa kasalda na nagliliwanag dahil sa mga lantern na nakalagay sa bawat bakod ng mga bahay. Ang amoy ng matatamis na mga candy sa daanan. At ang mga tawa at tiliian ng bawat isa.

Halloween na.

"Tch, nasan na ba yung mga boys?" inis na tanong ni Mary habang nakamewang.

"Ugh, ang lakas ng loob nilang paintayin tayo. Ang lamig-lamig kaya." Parereklamo naman ni Emily habang niyayakap ang sarili niya.

"Kung iwanan na lang kaya natin sila?" pabirong sabi ni Lucy. Magsasalita na sana ako ng biglang may sumigaw.

"WHOA!! Talagang nagsuot kayo ng costumes?!" namamanghang tanong ni Luke. "Nice, Nice! Yan ang spirit ng halloween!!"

Ang suot naming mga babae ay lahat galing kay Mary. Devil costume para kay Emily, blue na witch costume naman kay Mary at Grimm Reaper naman kay Lucy. Ang akin naman ay simpleng green dress na parang kay Nany Mcpee tapos may suot akong eyepatch.

"Uh...FYI hindi ito para sa'yo." Sabi ni Mary habang inis na nakatingin kay Luke.

Sumipol si Luke at Lucy. Tinulak naman namin ni Emily si Saru papunta sa tabi Mary.

"Hm, hindi pala para kay Luke ah. Para kanino naman?" pabirong sabi ni Lucy habang nakataas ang isang kilay. Mabilis namang namula sina Mary at Saru. Pareho kasi silang nakasuot ng Wizard costume.

"Ah...ang cute mo sa costume." Nahihiyang sabi ni Saru.

"Tha-thanks..." utal-utal namang sagot ni Mary. Napangiti na lang kaming lahat.

"Anyway, ano ba yang suot mo? Dracula?" nagtatakang tanong ni Lucy kay Luke.

"Correct! Ang angas diba?" proud nitong sabi habang nakamewang. Si Luke ay nakasuot ng isang Dracula costume na may pangil pa. Habang si Adrian naman ay nakasuot lang ng simpleng striped na t-shirt at blue na blazer. Tapos may suot siyang nakakatakot na smiley na maskara.

"Hm...'di bagay sa'yo." Deretsong sabi ni Lucy, tiningnan lang siya ng masama ni Luke.

"Wala akong pake. Setting that aside, MY EMILY!! Ang cute mo sa costume mo!!"

"Lakas talaga ng loob mo Luke ah." Sabi ni Saru habang nakatingin kay Luke na kinikilig.

"Tumahimik ka kung ayaw mong tusukin kita nito." Inis na sabi ni Emi habang pinapakita yung devil staff niya.

Ugh...ang dry na ng mata ko sa make-up... e_e sabi ko sa sarili ko habang pinipikit-pikit yung mata ko.

"So saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Mary.

"For now, pumunta muna tayo sa main park para umingi ng pin. Kasi kung wala tayo nun hindi tayo bibigyan ng candy." Sumangayon naman kami sa paliwanag ni Lucy, kaya agad namin siyang sinundan papunta sa main park.

Habang naglalakad naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya agad akong lumingon para tingnan kung sino.

Ang nakita ko ay si Adrian pero nakikipag usap siya kay Saru.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon