Daytime Firefly
Chapter 49
Mei Santiago POV
"Mahal kita..."
Hindi ko na alam ang nangyayari...ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang malakas na pagkabog ng puso ko. At wala na akong makita kundi ang mga seryosong mata ni Adrian na nakatingin sa akin at ang nagliliwanag kong paligid.
"Dug, dug. Dug, dug." Ang sinisigaw ng puso ko...please, tumigil ka na, hindi ko na talaga kakayanin...
Ah...tama kailangan ko siya sagutin pero ano namang sasabihin ko?
Iniwasan kong tumingin sa mataniya at saka nagsimulang nagsalita. "Ano, ano kasi...um...ano...Ako d―" naputol ang pagsasalita ko ng biglang may sumingit sa gitna namin. Yung staff ng penguin park kung na saan kami ngayon.
"I'm sorry, pero magsasara na po yung park. So okay lang po ba kung..."
"Ah! Si-sige po. Aalis na po kami." Gabi na pala, kaya pala wala ng tao sa paligid.
"...Your answer." Napatingin ulit ako kay Adrian, na ngayo'y nakaharang yung isa niyang kamay sa mukha niya. "You don't have to hurry..."
Yumuko ako at pinilit na hindi manginig ang aking boses. "O-okay..." at pagkatapos nun nagsimula na kaming maglakad papalabas ng Amusement park.
Nung pauwi na kami, ni-isa sa amin ay walang kumibo. Paano na ako aasta niyan sa susunod na makikita ko siya? Mabuti na lang weekend bukas.
Pagkauwi ko sa bahay agad akong dumeretso sa c.r. at naligo. Nung nakalubog na ako sa bathtub, na may katamtamang init ng tubig, muli kong naalala yung sinabi niya.
"Mahal kita."
"...." kahit nakauwi na ako lahat-lahat sobrang init pa din ng pisngi ko.
Eto na yung pangalawang beses na nagconfessed si Adrian sa akin. Nung una siyang nagtapat, wala na akong ibang inisip kundi, "Anong gagawin ko? Papaano ko ba siya ba-busted-in?" Pero ngayon...
Pero ngayon?
"Ako d―" ano bang dapat sasabihin ko nung mga oras na yun? Sobrang nagblanko yung isip ko at kusang bumuka ang bibig ko.
Kung hindi dumating yung staff...ano kayang kasunod sa mga salitang yun...
Ano kaya―
Naramdaman kong mas lalong uminit yung pisngi ko kaya sa sobrang inis ko sa sarili ko inuntog ko yung ulo ko sa pader. "ARRGH!"
Pero! Pero kaibigan ko si Adrian saka minahal siya ni Emily dati. Ayoko silang dalawa masaktan kaya...kaya! Arrgh, ano na bang dapat kong gawin sa buhay ko?!
Nang dumating na ang Monday, kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob ko at umasta ng parang wala lang nangyari. Akala ko si Adrian ang una kong makikita pero hindi, si Emily pala.
"Good morning Emily." Bati ko sa kanya tulad ng dati pero si Emily mukhang hindi natuwa sa ginawa ko. Bakit kaya?
"Ikaw...bakit ang kintab ng buhok mo ngayon?"
"Eh? Ah...kasi...medyo nakatulog ako sa c.r. habang may conditioner yung buhok ko at nung paalis na ako saka ko lang naalala na hindi ko pa nabubuhusan ng tubig...Eh, ikaw Emi, mukhang bagong gupit yung bangs mo ah." Sinubukan kong ibahin yung usapan pero mukhang hindi gumana.
"Ikaw, sinusubukan mong ibahin yung pinaguusapan natin, no? May tinatago ka sa akin, no! Nung isang araw ka pa eh. Mabubuking ka din naman kaya sabihin mo na sa akin ngayon!"
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
