Daytime Firefly
Chapter 34
Mei Santiago POV
"Haa―"
"Ah, tito, good morning." Masaya kong bati pagkapasok ni Tito sa kusina.
"Anong meron? Ba't ang aga mo ata ngayon..." inaantok na tanong ni Tito sa akin.
"Nagising kasi ako dahil nagkamali yung alarm clock ko. Eh, hindi na po ako nakatulog kaya nag ayos na ako. Ginawan na po kita ng breakfast, nakapatong doon sa lamesa." Binalik ko na yung buhat ko na box ng gatas sa loob ng ref.
"Sige po, Tito. Alis na po ako." Naglakad na ako papunta doon sa pintuan at tuluyan ng umalis.
"Ingat ka."
Ilang araw na ang lumipas simula nung i-celebrate namin ang birthday ni Sir. Jake. Nagkaroon man kami ng kaunting problema nung araw na yun, ngayon para bang wala na akong pakielam. Pakiramdam ko kasi magiging okay naman ang lahat...sigurado ako magiging okay lang ang lahat.
"Haa...ang lamig na..."
Simula nung bumagyo mas lalo ng lumamig ang klima. Ilang araw na lang magpapasko na at ito ang unang beses na magpapasko ako sa Maynila.
"Ah! Mei, morning." Masayang bati ni Lucy sa akin pagkapasok ko ng school building. Nagtaka ako kasi si Emily lang ang kasamaniya at wala si Mary.
"Good morning. Na saan si Mary?"
"Sabi niya mauuna na daw siya eh." nagpatuloy na kami sa paglalakad at nang makarating kami doon sa may pintuan papunta sa garden nakita namin si Mary. "Ah, ayun siya."
"Ma―" tatawagin ko na sana siya pero nang makita namin ang ginagawa niya, napatigil kaming tatlo at natulala na lang sa gulat.
Ang scene kasi na nakikita namin ay binibigyan ni Mary si Saru ng isang lunch box. At ang mas nakakagulat ay pareho silang namumula.
......Sobrang hindi namin inaasahang makita yun.........
"Okay, mag groupings kayo. 4 members in one group!" pasigaw na utos nung p.e. teacher namin. Fifth subject na at hindi pa din namin nakuhang tanungin kay Mary yung nakita namin kanina. Pero dahil mukhang hindi na matiis ni Lucy nilapitan na namin siya.
"Mary, kayo na ba ni Saru?" deretso kong tanong habang namumula. Si lucy naman nakatingin sa kaniya ng masama at si Emi ay nasa likod ko lang at parang walang pakielam.
"Ha?! A-a-anong sinasabi niyo?" naguguluhan niyang tanong habang may paubo-ubo pa siya. Pero alam naming nagkukuwari lang siya, obvious na kasi sa mukha niya eh. Sobrang pula niya.
"HINDI MO NA MAITATAGO SA AMIN! Nandoon kami nung binigay mo sa kniya yung LUNCH BOX!!" sigaw ni Lucy na may tonong parang detective.
Luminok si Mary at sinabi, "Yeah, right. May natira lang kasi sa niluto kong baon kaya naisipan kong i-share sa kanya. Pero...hindi 'pa' kami."
"'PA?!' Ibig sabihin nag confess na siya sa'yo?" kinikilig na tanong ni Lucy.
"KEYLAN?!" nagulat ako ng biglang makisali na si Emily.
"...Nung...foundation day..." mahina niyang sabi.
"SERYOSO!? Grabe, hindi ko aakalaing napaka aggressive na lalaki si Saru." Namamangahng sabi ni Lucy.
"Tsk..." kung si Lucy kinikilig si Emily naman halatang naiinis. Siguro dahil mauunang magkakaboyfriend si Mary.
"CONGRATS! Siya ang first boyfriend mo."
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
Любовные романыSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
