Chapter 51

28 1 0
                                    

Daytime Firefly

Chapter 51

Mei Santiago POV

Ibang klase pala ang pagkakaroon ng boyfriend...

"Hey, 'Gusto ko pang makasama ka ng matagal.' Hindi mo ba iniisip yun?"

Ang mga salita na yun na lumabas sa kanyang bibig...Hindi ko aakalaing sasabihin niya yun. Ano nga ba kasi ang "Boyfriend?" Hindi ko pa din maintindihan.

"Hm, anong problema, Mei? Hindi ba masarap ang luto ko?" pagkatanong ni Tito nun bumalik na ang isipan ko sa reyalidad. At dahil sa gulat ko, dali-dali akong sumagot,

"Hindi po, hindi po. Masarap nga po eh." nagpatuloy ako sa pagkain. Thursday na ngayon pero hindi ko pa din nalilimutan yung sinabi ni Adrian sa akin nung araw na yun.

"Mabuti naman. Lagi ka kasing nakatulala nitong mga nakaraang araw eh." nagaalalang sabi ni Tito.

"Ahh...marami kasing nangyari sa amin ni Adrian." sabi ko habang nanguya ng masarap na pagkain ni Tito.

"Si Adrian?" nagtaka si Tito. "Yung medyo wavu ang buhok?"

"Opo. Kami na kasi, nagsimua na kami magdate nitong nakaraang araw lang pero hindi pa kasi ako masyado sanay kaya hindi ko alam ang gagawin ko."

"EH? Kayo na...huh..." malakas na tinadtad ni Tito yung sashimi na gagawin niya sanang sushi. At nung dahan-dahan akong lumingon, nakita kong nakangiti siya pero naglalabas siya ng imaginary dark aura. Sobrang nakakatakot...

Patay! Nasanay na kasi ako na sabihin sa mga ibang tao kaya hindi ko naging habit ko na!!

"Uh...Tito..."

"Hmmm, talaga? Hmmm. Well nasa idad na kayo na mahilig sa ganyan...I mean kelyan at paano 'to nangyari? Gusto ko malaman every detail of him. Hahaha." Kahit nakangiti pa din siya mas lalo siyang nagiging nakakatakot.

"Tito...?"

"Ah, tama! Bakit hindi mo siya imbitahin dito sa bahay sa Saturday? Okay ba yun?" sa sobrang takot ko hindi na ako nakapagsalita at naging isnag statwa na lang.

Pagkapunta ko sa kwarto ko agad kong tinext si Adrian, "May plano ka po ba sa Saturday?" Pagka-send ko dito, makalipas ng ilang minuto sumagot na siya, "Wala." Pagkakita ko ng kanyang sagot lalo akong kinabahan pero pinigilan ko ito at dahan-dahan na siyang sinagot.

"Adrian...pwede ka ba pumunta sa bahay ko? Sabi ni Tito na dalhin daw kita dito. Sobrang nakakatakot na po siya. T^T"

Medyo natagalan bago siya sumagot kaya nadagdagan ng nadagdagan yung kaba ko, pero makalipas ng ilang minuto, sumagot na din siya.

"Sure. I'll come around 2:00 p.m." pagkakita ko sa sagot niya agad naman akong nakahinga ng maluwag.

Mabuti naman...Pero, kung iisipin ko, hindi ba ito ang unang beses na bibisita si Adrian sa bahay? At saka ano bang dapat mong gawin kapag bibisita ang boyfriend mo sa bahay niyo?

"Pupunta si Adrian sa bahay niyo?" gulat na tanong ni Mary habang hawak-hawak ang bola ng volleyball, pagkatapos ko ikuwento sa kanila ang lahat.

"Oo, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Meron lang Monopoly si Tito sa bahay." Paliwanag ko sa kanila.

"Edi bakit hindi mo na lang ipakita sa kanya yung photo album mo o kaya naman year book mo? Pwede ring manuod kayo ng movie.

"Ganun ba. Sige ganun na lang ang gagawin ko."

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon