Daytime Firefly
Chapter 46
Mei Santiago POV
Isang Linggo na ang nakalipas simula nung tinanggihan ni Adrian yung plano namin na may magpapanggap bilang girlfriend niya. At dahil sa pagtanggi niya na yun, nagpatulay ang kanyang paghihirap.
"Adrian, good morning!" masaya at kinikilig na bati nung tatlong babaeng exchange student nang makita nila si Adrian papasok ng school building. At tulad ng dati dinededma pa din sila ni Adrian, kaso imbis na mainis sila o matakot lalo lang silang kinikilig.
"Ah, gwapo problems nga naman. Kawawa naman si Adrian." sabi ni Lucy sa amin ni Mary habang nakatingin kay Adrian.
"Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa din nila pinagsasawaan si Adrian." sabi naman ni Mary na pinipilit ngumiti. Para bang siya ang nahihirapan sa situwasyon ni Adrian.
"Dapat kasi hindi na lang niya tinangihan yung plano natin eh. Pangsamantala lang naman. Kasalanan niya yan. Mei halika na." nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom pero hindi ko pa din maalis yung tingin ko kay Adrian.
Sikat siya pero ayaw niya...hm...
Napatigil ako bigla sa paglalakad ng makita kong sinusubukan nung isang babae na hawakan yung headphone ni Adrian.
"Ah! Ian, ang cute, cute naman niyang headphone mo. Sa'n mo binili yan?" malanding tanong nung babae na exchange student. Hahawakan na sana niya ito pero nilayo ito ni Adrian sa kanya at sinabi,
"'Wag mong hawakan!" inis niyang sabi doon sa babae.
"Eh? Bakit naman! 'Wag ka ng maarte. Ang cute talaga, kung bumili na rin kaya ako ng katulad niyan. Ano sa tingin mo Ian?"
"Ian." Hindi ko pa siya natatawag sa nickname na yun pero siya para bang matagal na niyang kilala si Adrian.
Bigla ako nakaramdam ng inis. Huh, pero bakit ako maiinis?
Nagpatuloy ang araw pero parang may iba ngayon...
"Ian~!" sigaw nung mga babae na sumusunod sa kanya, ng makita siya sa hallway nung lunch time.
Hindi pa nagtatapos ang lahat doon. Nung P.E. time namin walang silang tigil sa kakatili kapag nakakashoot si Adrian sa ring. Pati na din nung mga breaktime namin, kapag bumibili siya sa canteen tumitili din sila. Kapag pupunta siya sa c.r. at kapag naglalakad siya sa hallway. Basta kapag nakikita nila si Adrian titili sila ng malakas na para bang nakakita sila ng artista.
At medyo―
"Ian~, tingnan mo oh pareho na tayo ng headphone!" sigaw nung babae nung isang umaga ng makita niya si Adrian na papasok ng school.
"TSK!" ang tanging sinabi ni Adrian.
"Ahh ahh, sobrang sikat pa din niya. Mamigay naman siya ng kasikatan niya." Pabirong sabi ni Lucy habang nakangiti.
Nanatili akong nakatingin doon sa headphone nung babae. Sobrang pareho talaga sila ni Adrian...
Ano 'to? Bakit parang...ako ay―
"NAKAKAINIS!" sabi ni Emily sa amin nung naglunch time na. Sobrang nakakatakot talaga yung itsura niya. "Mas lalo silang lumala. I can't believe na tinatawag nila si Adrian na 'Ian'. Feeling close lang? UGH! Nakakainis! I must get rid of them completely."
"Huminahon ka. Pero mabuti na lang cute sila, diba?" sabi ni Mary sa amin pero mas lalong nainis si Emi.
"Hayaan niyo na ilang linggo na lang din naman aalis na yang mga yan." Dagdag ni Lucy habang nakamulsa.
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
RomanceSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...
