Daytime Firefly
Chapter 57
Mei Santiago POV
Natapos na ang sports festival pati na din ang exam week pero hindi ko pa din na aayos itong gumugulo sa pakiramdam at isip ko.
At hindi ko namalayan, ilang linggo na lang pala, magbabakasyon na kami.
"Ang init..." pagrereklamo ni Emily habang pinapaypayan ang sarili niya habang kami naman ni Mary ay nakain ng popicicle n binili namin sa canteen.
"Guys, magbagong buhay naman kayo!" sigaw ni Lucy sa amin.
"Wag ka ngang maingay, nakikidagdag ka pa sa init eh." inis namang sabi ni Emily sa kanya.
"Hay nako, ang bo-boring niyo talaga. Ito ang kaylangan niyo!" pinakita niya sa amin ang isang fliers. "Punta tayo, dito."
"Part time job sa Boracay?" tanong ni Mary habang nakatingin doon sa fliers.
"Yup! Kapag sinabing summer, kaylangan natin pumunta sa beach!! Kapag sinabi kong beach, Boracay dapat! Pupunta ako diyan, sama na kayo!" pilit niyang sabi sa amin. "At saka libre ng restaurant na magpapa-part time yung pamasahe bale pocket money na lang yung po-problemahin niyo."
"Pero baka hindi tayo payagan ng parents natin saka hindi naman kaagad tayo tatanggapin diyan, diba?" sabi ni Mary.
"Takot ako sa eroplano." Natatakot kong sabi.
"Ayokong umitim, saka maint." Reklamo naman ni Emily.
Muling nagbuntong hininga si Lucy at tumingin ng deretso sa amin. Ngumisi siya at sinabi, "Napaka naïve niyo talaga. Unti lang ang sasali kaya perfect time yun para sa mga couples at meron gurdian na magbabanatay sa atin habang nagpa-part time tayo. Saka kilala din ang Boracay sa masasarap na pagkain, tapos may madadagdag ka pa sa resume mo!"
"PUNTA NA TAYO!" sabay naming tatlo sinigaw.
"Okay, then confirmed."
Boracay...nakakaexcite naman.
"Nga pala Mei, ba't hindi mo din yayain si Adrian? Sigurado ako kasama si Saru saka si Luke."
"Si-sige...tatanungin ko siya."
"Yey~ pupunta tayo sa Borcay, sa wakas!" sigaw ni Lucy habang nakataas yung kamay.
"Kaylangan ko bumili ng damit, wala ka namang gagawin, diba? Sumama ka sa akin mamaya." Utos ni Emily sa akin.
"Eh?"
***
"Sabi ko na nga ba masyadong marami yung binili ko. Sale kasi eh." sabi ni Emi sa akin pagkatapos namin mamili ng mga damit. At dahil napagod kami, pumunta muna kami sa malapit na café para magpahinga at uminom ng juice.
"O-oo nga..."
Sobrang nakakatakot siya halos ayaw niya bitawan yung mga damit.
"Pero hindi ba masyadong madami yung damit na binili mo? Four days and three nights lang naman tayo sa Boracay, ah." Tanong ko sa kanya habang iniinum yung juice na kaka order ko lang.
"Syempre summer vacation na...at meron pang ibang bagay na pwede mangyari..."
"Ibang bagay?" nagtaka ako.
Nagulat ako ng biglang iwasan ni Emily ang mata ko at nagsimulang mamula ang kanyang pisngi. Tumingin siya doon sa juice ko at mahinang sinabi, "Tulad ng...da-date."
"EH?! Hu-hu-huwag mong sa-sa-sabihin...!!"
Tinakpan niya ng kaunti yung mukha niya at tumango, "Oo...kami na."
BINABASA MO ANG
Daytime Firefly (completed)
Storie d'amoreSabi ng iba nasa akin na ang lahat pero yuon ang akala nila. Ang totoo niyan meron akong isang bagay na hindi maintindihan at yuon ay ang "pag-ibig". Sa totoo lang wala akong balak matutong umibig, ang sa akin lang ay makatapos ako ng payapa. Yuon a...