Chapter 17

74 3 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 17

Mei Santiago POV

Hanggang ngayon tumatak pa rin sa isip ko ang sinabi ni Ate Janet.

"Kung may oras ka para mamublema sa mga bagay na yan bakit hindi ka gumawa ng paraan para mainlove siya sa'yo?"

Dahil sa mga sinabi niya na yun ilang araw na akong hindi nakakatulog. -_-

Pero dahil din sa mga katagang yuon tumatak rin sa isip ko ang mga iba't ibang bagay.

Halimbawa na lang, kung pareho kami ng edad ni Sir. o kaya isa akong babae na kasing ganda at mature ni Ate Janet...

Marami pa akong bagay na iniisip. Pero ang lahat ng 'to ay paghiling sa mga bagay na wala ako.

Gumagawa lang ako ng mga dahilan para makatakas sa sakit na pwede ko maramdaman. Kaya gagawin ko ang lahat para mabago na ang ganetong way ko sa pagiisip.

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa classroom. Pansin ko ang pagtingin ng mga ibang studyante sa akin pero hinayaan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.

Simula ngayon oras na para magbago...

Sisiguraduhin ko na ngayon, makakapag move on na ako.

"Mei?! Ikaw ba yan?" gulat na tanong ni Mary ng makita niya ako.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Wait a sec! Ang ganda mo ngayon, why?" tanong naman ni Lucy na namamangha rin.

"Thank you." Nakaponytail kasi ako ngayon at naglagay rin ako ng kaunting make up na tinuro ni Emily sa akin nung isang araw na magsleep over siya sa bahay. "Lagi akong nakaganeto kapag may mga events sa amin dati. Medyo gusto ko lang kasi maging hyper ngayon."

"Hm, kaya pala."

"Pero mukhang wala ring kwenta kasi closing ceremony ngayon..."

"Non Non non! Tama lang na maging hyper ka dahil simula bukas bakasyon na!!" sigaw ni Lucy habang nagtatalon-talon.

"Haha...si Emi, na saan?"

"Nasa c.r., kanina pa nga yun eh. Puntahan na natin." Pagsagot ni Mary sa akin habang sinusubukan hawakan ang buhok ko. "Mas bagay talaga sayo 'tong hairstyle mo ngayon!"

"Talaga?" naramdaman ko na may nakatingin sa akin kaya agad akong lumingon para tingnan kung sino pero wala naman akong nakita. Tanging likod lang ni Sir. Jake na may kausap na ibang teacher.

Ang weird...akala ko may nakatingin sa akin...

Nasa staduim kami ngayon at pinakikinggan ang speech ng principal para sa closing ceremony. Dahil closing ceremony, half day lang kami ngayon.

[Ah, simula bukas ay semestrial break na, pero hindi ibig sabihin nun pwede na kayo magpakasarap. Don't forget that you're still a student. I wish you all a happy and safe vacation. That's all, thank you.]

Pagkatapos niya magbigay ng speech bumalik na kami sa classroom para sa unang klase. Wala kami masyadong ginawa dito kundi nagrecord lang ng mga grades, ganun rin sa ibang natitirang tatlong subjects.

At lumipas ang oras...

"SA WAKAS!!!!" sabay-sabay naming tatlo na sinigaw, except kay Emily na kanina pa nababdrip dahil sobrang lamig daw ngayon.

"Ahh~ salamat at tapos na din!!" sabi ni Lucy habang nainat.

"Guys deretso na kaagad tayo sa seven eleven! Gala tayo, Gala tayo!" naeexcite namang pagyaya ni Mary.

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon