Chapter 20

71 2 0
                                        

Daytime Firefly

Chapter 20

Mei Santiago POV

Bakit ang laging nagpapatibok ng puso ko ay―

Bakit?

Lagi na lang...

"Mei?!" tumakbo si Ate Janet papunta sa pwesto namin. "What a coincidence! Anong ginagawa niyo? Are you guys on a date?!" masaya nitong tanong.

"...Eh...hindi...Um...kasama ko yung mga iba kong kaibigan kaso nagkahiwalay kami..."

Hindi ko kaya...

"Ganun ba? Well medyo crowded nga kaya hindi natin maiiwasan yun."

Hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko...

Bumibils ang tibok ng puso ko, pero hindi katulad kanina. Ngayon sobrang sakit ng pagtibok na ito.

Sir...

May sinasabi si Ate Janet pero wala akong marinig, nabalot ng kadiliman ang isip ko.

Nakipag balikan na pala siya kay Ate Janet.

Ang weird. Alam ko na naman yun eh...Pero nung nakita ko na talaga sila hindi ko matanggap ng maayos.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko. Si Adrian.

"Let's go."

"Eh?" hinila niya ako papalayo sa kanila.

"....MAI MAI!" narinig kong tinawag ako ni Sir. at hindi ko namalayan si Adrian na pala ang hinihila ko papalayo sa kanila.

Tumitibok ng tumitibok, kasabay ng isa-isang pagputok ng mga paputok sa langit.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Ang alin? Ang sugat ko sa paa o...

Ang puso ko―?

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Tumakbo ako ng tumakbo kahit sobrang sakit na ng paa ko.

Hindi pwede 'to. Hindi pwede. Hindi pwede.

"Oi, wait a minute."

Paano ko nasasabing "Mag mo-move on ako?"

"I said wait."

Tumatakbo palayo. Umiiwas. Walang namang nagbago.

"MEI!" napatigil ako ng biglang isigaw ni Adrian ang pangalan ko.

Kahit isang hakbang hindi ko pa din kinayang akyatin...

"So-sorry..." mahina kong sabi, hindi ako lumingon sa kanya kundi nanatiling katingin sa aking harapan. "Sorry..." bibitawan ko na sana yung kamay niya pero hindi siya pumayag.

Hinigpitan ni Adrian ang hawak sa kamay ko.

"Look at me." seryoso niyang sabi.

Kahit kamay rin ito ng lalaki, bakit sobrang magkaiba ito sa isa't isa.

"Ka-kaylangan na natin bumalik, baka hinahanap na tayo nina Emi."

"Why won't you look at me?"

"Sorry..." ang tangi kong nasagot. Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. Halatang nagulat siya. Ang dahilan kung bakit ayaw kong humarap ay dahil umiiyak na naman ako at sigurado ako maiinis na naman siya dahil lagi na lag akong umiiyak. Yuon ang akala ko pero hindi yun ang ginawa niya...

Daytime Firefly (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon